WINWYN AT PADIR NG ANAK, MAGPAPAKASAL NA
- BULGAR
- Jul 29, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 29, 2023

Speaking of a beauty queen, gustung-gusto naman ni Winwyn Marquez ang nangyayari sa kanyang career ngayon.
Satisfied at kuntento na ito sa pagbabalanse ng kanyang oras between her daily stint in Eat… Bulaga! at pagpapalaki sa kanyang daughter.
Dahil naranasan daw niya ang magkaroon ng postpartum depression, may guilty feeling siya ngayon na makabawi sa pag-aaruga sa anak na masayang-masaya na napapanood siya sa TV araw-araw.
Maganda ang naging love story ni Winwyn sa ama ng kanyang anak dahil kasabay nga niya itong lumaki sapagkat best friend ito ng Kuya Yeoj niya at noon pa ma’y itinuring na nilang kapamilya.
“Labas-masok sa bahay, na akala mo ay doon na nakatira,” sey ni Winwyn sa kanyang itinuturing na great love.
Very private ang pagkatao ng partner ni Winwyn na katulong niya sa pagpapalaki ng kanilang anak. And yes, nasa plano rin nila ang maging legal na mag-asawa very soon.
Kapapanood lang namin kay Wyn sa The Cheating Game movie kung saan ay isang lawyer na nagtatanggol sa mga kababaihan ang kanyang role, and yet, siya mismo ay nabiktima ng sex scandal.
Pinagbibidahan nga ito nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama pa si Martin del Rosario mula sa GMA Public Affairs at GMA Films.





Comments