Winning tickets puwedeng kubrahin
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 15, 2022
Ilang araw nang tigil-karera simula pa noong Miyerkules pero magbubukas ang opisina ng Manila Jockey Colub Inc. (MJCI) para bigyan ng pagkakataon ang mga karerista na kumubra ng kanilang winning tickets.
Ang karera lang na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ang puwedeng kubrahin.
Naglabas ng anunsiyo ang MJCI sa kanilang facebook page na maaaring kubrahin ang tama ng mga karerista, magsisimula ito sa Lunes (Enero 17).
"Maaaring kunin ang "winnings" mula sa tanggapan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) simula sa susunod na linggo araw ng Lunes, January 17, 2022," post ng MJCI sa social media.
Dinesisyunan ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon na pansamantalang itigil ang operation sa karerahan upang suportahan ang panawagan ng gobyerno na mag-ingat sa pag-atakeng muli ng COVID-19.
Bagama't nalungkot ang mga karerista ay nakakuha ng magandang komento ang PHILRACOM dahil ayon sa kanila ay tama ang naging desisyon ng karerahan.
"Tama ang desisyon dahil ang kaligtasan ng nakararami ang iniisip ng PHILRACOM kaya Good Job!," saad ni Marcelo Villahermosa, karerista.
Sa ngayon nag-aabang ng anunsiyo ang mga karerista para malaman kung kailan ang balik ng karera, pinapanood na lang muna nila ang mga dating video upang malibang hangga't wala pang operation sa karerahan.
Posibleng sa susunod na buwan ay magsimula na ang mga stakes races depende sa sitwasyon, kapag humupa ang pag-atake ng COVID-19 ay magiging magandang balita ito para sa mga karerista.





Comments