top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Winner na winner talaga! ALEX, KUMITA NA NG P200 MILLION SA YOUTUBE, RAFFY TULFO, P2 BILLION PLUS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 28, 2020
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 28, 2020




Magbabalik ang TV host na si Alex Gonzaga sa TV5. Ito ang mainit-init na pagbubulgar ng aming source kahapon.

Tinanggap na raw ni Alex ang alok sa kanya bilang isa sa mga hosts ng bubuksang noontime show sa TV5, ang Lunch Out Loud.

Si Alex ang kukumpleto sa line-up ng mga pambatong hosts ng Lunch Out Loud na kinabibilangan nina Billy Crawford, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero at K Brosas.


Matatandaan na isa sa mga big stars kundi man "prinsesa" noon ng Kapatid Network si Alex. Nagsimula siya bilang isa sa mga hosts ng daily showbiz talk show na Juicy. At the same time, may comedy show din siya na Everybody Hapi.

Habang nasa Singko si Alex, ang kanyang big and only sister na si Toni Gonzaga ay umaalagwa naman ang career sa ABS-CBN that time.

Pero hindi nagtagal ay nagbida na si Alex sa mga teleserye ng TV5 gaya ng Babaeng Hampaslupa,

Enchanted Garden at P.S. I Love You.

Kaya bilib kami sa Bright Light Productions at naisama nila si Alex sa Lunch Out Loud! This is one aggressive move para sa Bright Light owned by Cong. Albee Benitez.

Right move na ginawa nila ang lahat para makuha si Alex as one of their hosts. Napaka-popular kaya ni Alex and one of the top five celebrities sa social media ngayon.

As of this writing, may 8.58 M subscribers na si Alex sa You Tube at kumita na siya ng more than P200 M. 'Yan ay base sa nakuha naming tala sa internet six months ago.

Ayon pa sa datos na nakuha namin, ang pangatlo sa may pinakamaraming subscribers ay si Ivana Alawi with 9.19 M; 11.1 M naman ang tandem na JaMill at ang No. 1 ay si Raffy Tulfo with 14.8 M.

Just imagine kung more than P200 M na ang kinikita ni Alex sa kanyang YT channel, eh, what more 'yung top three, 'di ba?

Sa nakita naming record six months ago, nasa P2.1 B na ang kinita ni Raffy. Malamang, nasa P3 B na 'yan ngayon, 'noh!

Going back to Lunch Out Loud, opisyal na raw na sa October 19, Monday, ang kanilang pilot telecast.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page