top of page

Winasak ni Obiena ang Asian record sa 6-metrong talon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12, 2023
  • 2 min read

ni VA / Clyde Mariano @Sports | June 12, 2023


ree

Sa wakas, ang matagal na niyang inaasam na matalon ang baras na itinala ng 6 na metro ay nagawa na rin EJ Obiena.

Ang Filipino Olympian na kasalukuyang world No. 3 pole vaulter ay nagawa ang nasabing milestone sa pamamagitan ng isang beses lamang na pagtatangka na siya ring naging dahilan upang magwagi siya sa Bergen Jump Challenge sa Norway noong Sabado ng gabi.

Nalagpasan din ni Obiena ang kanyang personal best na siya ring Asian record na 5.94 meters na itinala nya sa World Championships noong nakaraang taon sa Eugene, Oregon sa US.

Inangkin ng Tokyo 2020 Olympian ang gold medal, matapos talunin si KC Lightfoot ng US na kinailangan ng dalawang attempts para matalon ang 6.00 meters.

Pumangatlo sa kanila ang Isa pang Amerikanong si Sam Kendricks na nakatalon naman ng 5.88 meters.

Inaasahang mas pataasin nito ang morale ni Obiena sa kanyang nakatakdang pagsabak sa qualification period para sa Paris Summer Olympics 2024, na magsisimula sa unang araw ng susunod na buwan.

Para mag-qualify sa 2024 Paris Games, kailangang maabot ni Obiena ang qualifying standard na 5.82 meters sa mga qualifying tournaments na kanyang lalahukan na kinabibilangan ng Asian Championships sa Pattaya, Thailand, ang World Championships sa Budapest, Hungary at Asian Games sa Hangzhou, China.


Samantala, hindi matutupad ni reigning World Games karate gold medalist Junna Tsukii ang pangarap na makalaro at manalo ng medalya sa Olympic Games dahil inalis ng host France ang karate sa 2024 Olympic Games na gagawin sa Paris kung saan unang lumahok ang Pinas noong 1924.


Dahil walang karate sa Olympics, ang pinaghahandaan ni Tsukii ay ang Asian Games, Asian Indoor and Mixed Martial Games at World Combat Sports. “My attentions focused on these three tournaments. I will be stronger. I want to win medals and give honors to the Philippines,” sabi ni Tsukii.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page