Will, knows mo ‘yan? DUSTIN, INAMIN NA ANG REAL SCORE SA KANILA NI BIANCA
- BULGAR

- Oct 26
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 26, 2025

Photo: IG _dustinyuu
Walang dudang isa si Dustin Yu sa pinaka-in demand sa mga former housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) dahil sa dami ng kanyang ginagawa ngayon.
Bukod sa sunud-sunod na proyekto niya, kabi-kabila rin ang kanyang mga product endorsements.
Last Friday (October 25), isa na namang bagong kontrata ang pinirmahan ng aktor bilang ambassador ng Aromagicare, the major brand of WIDE International, which focuses on health and wellness products.
Si Dustin ang very first local endorser ng nasabing wellness brand. Ang iba pa niyang kasama ay si Park Eun-bin ng South Korea at sina Freen Sarocha at Becky Armstrong ng Thailand.
“I’m very proud na ako ‘yung first local artist na magiging endorser ng Aromagicare,” sey ni Dustin sa ginanap na contract signing and mediacon.
“Natuwa ako kasi sinabi nila sa akin na mag-grow akong kasama sila, and ‘yun ‘yung hinahanap ko sa mga brands na makukuha natin.
“Of course, ako kasi, if you know me, advocate ako ng wellness. Marami akong ginagawa in life and super-swak itong brand na ‘to kasi nga, nagwo-work ako almost every day, tapos mahilig ako sa sports,” sey ng aktor.
“So madalas sumakit ang katawan ko,” natatawa pa niyang sabi.
Aniya pa, “I’m happy na ‘yung product na ine-endorse ko ay magagamit ko s’ya every day. Super proud ako — words cannot express how happy I am now.”
Pahayag naman ng founders ng Aromagicare na sina Ms. April Martin at Ms. Pauline Publico kung bakit si Dustin ang napili nilang maging first local endorser, “Dustin’s passion for wellness and commitment to living a healthy, balanced, and mindful life perfectly align with Aromagicare. So, fit talaga s’ya, and nakikita natin ‘yung impact ni Dustin today. He is very impactful pagdating sa mga brands.”
At dahil nga sa sobrang busy ni Dustin ngayon, natanong ang aktor kung nakakapagpahinga pa siya.
“Honestly, of course, with all the work na kailangan kong gawin after PBB, hindi ako masyadong nakakapagpahinga. But then, kinokontrol ko ‘yung mindset ko na every time na pauwi ako, nag-i-spend ako ng how many minutes with my parents.
“So, ‘yun ‘yung rest for me now — ‘yung kasama ko ‘yung mga siblings ko, mga cousins ko. Kahit isang oras lang, nase-set aside ko ‘yung trabaho, and kahit hindi ako nakakapagpahinga o tulog, as long as kasama ko ‘yung mga taong nagpapasaya sa akin, in a way, nakakapag-rest na rin ako,” sey ng Sparkle artist.
Nang matanong kung what if wala munang love life dahil sa kanyang pagka-busy, sandaling nag-isip si Dustin sabay balik ng tanong na, “Bakit?”
Natawa ang lahat sa kanyang sinabi. Paliwanag naman niya, hindi raw rason ang pagiging busy para mawalan ng love life.
“Parang feeling ko naman, kahit gaano ka-busy, hindi naman hadlang ang love life. Hindi ko sinasabi na may love life ako ngayon, pero hindi hadlang ang love life. In fact, nakakabawas pa nga ‘yan ng pagod, ‘di ba? Nakaka-inspire pa ‘yan. Mas mamo-motivate kang magtrabaho,” aniya.
When asked kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni Bianca de Vera na ka-tandem niya sa PBB Collab, ayon kay Dustin ay wala naman daw nabago sa pagtitinginan nila mula nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya. Super close pa rin daw sila at ipinagpapasalamat niya ‘yun.
Samantala, inanunsiyo rin sa contract signing/mediacon na magkakaroon na rin ng sariling fan meet concert si Dustin, ang Destiny: The Dustin Yu Experience. Magaganap ito sa December 4, 2025 sa New Frontier Theater sa Quezon City (QC).








Comments