Wild Eagle at Greater Good sasalang sa Turf
- BULGAR
- May 26, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 26, 2023
Masusubukan ang husay nina Wild Eagle at Greater Good pagsalang nila sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.
Tiyak na mapapalaban sina Wild Eagle at Greater Good sa apat pang tigasing kabayong kalahok sa distansiyang 1,200 meter race.
Nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kalahok ay sina Princess Serena, Private Dining, Burning The Tracks at Lightning Bolt.
May hahamigin ang winning horse owner na P10,000 karagdagang premyo sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Ayon sa komento ng mga karerista, malaki ang tsansang manalo ni Wild Eagle lalo na't rerendahan siya ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.
Samantala, walong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.
Isa sa inaabangan din ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong kabayo sa isa pang PRBHS race na pakakawalan sa pangalawang karera.
Posibleng si Sun Dance ang makakuha ng malaking suporta sa mga karerista pagsimula ng laban pero asahang bebenta rin sa takilya ang ibang kalahok.
Maliban kay Sun Dance, ang ibang kasali ay sina Grand Laughter, So Beautiful, Speed Revolution, Eochirunrun, Gugma, Fast And Easy at Queen Louise.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Wild Eagle (4), Greater Good (5)
Race 2 - Sun Dance (5), Fast And Easy (7)
Race 3 - Double Rock (1), Happy Julliane (3), Bakya Mo Neneng (5)
Race 4 - She Is Sizzling (8), Grey Factor (5), Basket Of Gold (6)
Race 5 - Haymaker (1), Batas Kamao (11), Ka Emon (7)
Race 6 - Early Bird (30, Amor Mi Amor (4), Fortress (6)
Race 7 - El Mundo (14), Rockaway (4), Commodora (5)
Race 8 - Bishop Blue (7), Red Hawk (4), Jambo (6)





Comments