Wild daw siya nu'ng wala pang anak… ELLEN, NAG-POST NG PIKTYUR NG PAGIGING HUBADERA NOON
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 20, 2026

Photo: Ellen Adarna / FB
In fairness, maraming artista ang nakilahok sa trending na ‘2026 is the new 2016’ kung saan ang mga celebrities ay nagpo-post ng mga larawan mula sa isang dekada na ang nakalipas.
Nakisama sa uso ang aktres na si Ellen Adarna, na masayang inalala ang taong 2016 bilang kanyang ‘hubadera era’.
Sa Instagram (IG), ibinahagi ni Ellen ang mga larawan niya noong 2016, kasama ang isang black-and-white beach shot kung saan naka-topless siya habang nakatalikod sa camera at wow, katawan na nakakasilaw ang makikita.
Saad ni Ellen, “2016 was my hubadera era. I was young, wild and free. No responsibilities era.”
May kasama itong hashtags na ‘noRAGRETS’ at ‘yolo’ (you only live once), at nagtapos na may kalakip na peace sign emoji.
Super lucky ang mother dearest ng aktor na si Sen. Robin Padilla na si Lolita Eva Cariño pagdating sa pagmamahal sa kanya ng mga anak.
Sa social media post ni Sen. Robin ay nagbahagi siya ng video clip kung saan makikita siyang kinakausap ang kanyang ina na si Mommy Eva habang nakaupo sa wheelchair.
Saad ni Sen. Robin, “Wala nang hihigit pang ligaya para sa akin kundi ang makita ang aking ina na masaya.
“Ang malaman na siya’y inaalagaan ng pamilya, minamahal, at ‘di nag-iisa, at ang marinig ang kanyang tawa ay sapat na upang mapawi ang pagod ng aking puso.
“Sa bawat ngiti n’ya, du’n ko muling natatagpuan ang tunay na kahulugan ng tagumpay.”
Wow! Iba ka talaga, Sen. Robin Padilla pagdating sa pagmamahal sa magulang.
“2016 was also the year I became mother,” ganito naman inalala ng aktres na may pusong mapagbigay na si Kylie Padilla ang taong 2016.
Sa Facebook (FB), ibinahagi ni Kylie ang larawan ng kanyang anak habang may background music na Here Comes the Sun na kinanta ng Beatles noong 1969.
Well, sabayan na nga lang natin si Aljur Abrenica sa background music ni Kylie: “Here comes the sun, doo-doo-doo…
Here comes the sun… And I say, ‘It’s all right…’”
“I love being a mom,” ito ang pahayag ng anak ng aktres na si Jean Garcia na si Jennica Garcia nang sumali siya sa 2016 throwback trend.
Saad ni Jennica, “2016 JENNICA. This was the year I began embracing the quiet joys of babywearing, cloth diapering, breastfeeding, baby-led weaning, and elimination communication.
“I also attended workshops that taught me how to cook and bake so I could prepare healthy and delicious meals.
This was also the year I discovered art as a means of release and relaxation.
“Pangarap ko lang ito noon. Mori and I welcomed Alessi into our lives two years after these photos were taken.
“Thank you to whoever started this trend. You reminded me that I am already living the life I once believed was only meant to be dreamed of. I love being a mom.
“Thank you for being born, Mori and Alessi. Everything I do is for the two of you. Salamat sa biyaya, Ama,” pagtatapos ni Jennica na may kalakip na imahe ng krus.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments