top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

WILBERT, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW SA DESIGNER NA SI PAUL CABRAL

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 12, 2026



WILBERT, NAGSALITA NA SA RELASYON DAW SA DESIGNER NA SI PAUL CABRAL

Photo: Wilbert Ross / IG



Ang sipag ng cast ng Pee-Mak (The Philippine Adaptation) na mag-promote ng kanilang pelikula. Araw-araw, nasa mall sila for the promo of the Viva Films movie. Hindi lang sila nag-ikot sa mga sinehan, nagbenta rin ng tiket, na isa sa mga paraan ngayon para mas marami ang manood.


Kagagaling din nina Wilbert Ross at Bea Binene sa Cebu noong October 10, at sa October 15, the day after the opening, sasalang sina Wilbert at Gian Bernardino sa VivaOke, isa pa ring paraan to promote Pee-Mak.


Samantala, hindi naapektuhan ang mga fans ni Wilbert sa lumabas na isyu na nili-link siya sa fashion designer na si Paul Cabral. Mabilis nitong sinagot ang isyu at hindi hinayaang lumaki at maiba ang narrative kapag nagpasalin-salin.


Tanong ng isang netizen, “Totoo ba ang tsismis kina Paul Cabral at Wilbert Ross? OMG!”


Sagot ni Wilbert, “Diyos ko, lahat na lang, inasar ‘yan sa akin ni (Vice) Ganda kasi crush daw ako ni Paul that time dahil maganda raw ang boses ko.”


Sinundan ng “Mamu is a good friend kaya tigilan n’yo kaka-issue. I hangout regularly kasama mga friends ni Motherdear nang walang kamalisya-malisya at lahat sila marespeto, kaya ‘di ako naiilang sa kanila kahit pa makasama ko sa bahay.”


Hindi rin naman naniwala sa isyu ang mga fans at tuloy ang suporta nila kay Wilbert at sa love team nito kay Bea. Kapag naging hit ang first movie nila, siguradong mas dadami pa ang projects nila together. 


Hindi na kailangang mag-request ng mga fans sa Viva ng project para sa WilBea dahil project na ang lumalapit.





Never daw naranasan nu’ng bata pa…

SHUVEE, PROUD NA NABILHAN NA NG VAN ANG PAMILYA



IPINAGMALAKI ni Shuvee Etrata ang kotse na kanyang binili para sa kanyang pamilya. Ipinost nito ang van na may ribbon pa habang nakapaligid ang buong pamilya.


Pahayag ng aktres, “Our first family car. Things we never had growing up, but now get to experience together for the first time. Some dreams hit differently when you know how long your family has waited. We made it, fam! Thank you, Papa Jesus.”


Ang daming nagpaabot ng mensahe kay Shuvee. Masaya sila para sa kanya at sa kanyang pamilya. Sa reels, makikitang umiiyak ang father niya sa tuwa.


May post pa si Shuvee na, “I may not experience having my own home growing up, but my siblings will never be. Plus, may malaking sasakyan na kami na ‘di hiram. At kasya kaming lahat magkakapatid. Finally, a house and a car we can call our own.”


Marami pang mabibiling gamit si Shuvee na dati, pangarap lang niya at ng kanyang pamilya dahil patuloy ang pagdating ng projects sa kanya. Sunod siyang mapapanood sa medical series na Code Gray kasama si Alden Richards.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page