top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

WHO: 43 milyong adolescent girls nakaranas ng karahasan

Writer: BULGAR
BULGAR
12 hours ago
1 min read

by BRT @News | October 7, 2026



WHO: 43 milyong adolescent girls nakaranas ng karahasan

Photo: File



Tinatayang 43 milyong adolescent girls sa buong mundo ang nakaranas ng intimate partner violence o sexual violence noong 2023, ayon sa World Health Organization (WHO).


Batay sa bagong pagsusuri ng WHO at mga katuwang nitong UN agencies, halos 30% ng mga batang babae na edad 15 hanggang 19 ang nakaranas ng ganitong uri ng karahasan kahit isang beses sa kanilang buhay.


Sa mga 15 hanggang 19-anyos na nagkaroon na ng partner, 23% ang nakaranas ng physical o sexual violence mula sa kanilang partner. Samantala, 16% ang nakaranas nito sa loob lamang ng nakaraang taon.


Tinatayang 8% naman ng lahat ng adolescent girls sa nasabing edad ang nakaranas ng sexual violence mula sa taong hindi nila partner.


Ayon sa WHO, maaaring magdulot ang karahasan ng injuries, hindi planadong pagbubuntis, sexually transmitted infections at mental health problems gaya ng anxiety at depression. Maaari rin itong makaapekto sa pag-aaral, trabaho at mga relasyon ng mga biktima.


Sinabi ng WHO na kabilang sa mga hakbang para maiwasan ito ang pagtataguyod ng gender equality, pagpapalawak ng access sa edukasyon, pagpigil sa child marriage at pagpapalakas ng legal at health services para sa mga nakaranas ng karahasan.


Ayon pa sa WHO, wala pang bansa ang kasalukuyang nasa tamang landas upang tuluyang wakasan ang violence against women and girls pagsapit ng 2030.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page