White House adviser Miller, nagpositibo sa COVID-19
- BULGAR

- Oct 7, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 7, 2020

Nagpositibo si White House senior adviser Stephen Miller sa test sa COVID-19 na lumabas ang resulta kahapon.
Siya ang pinakabagong kaso na tinamaan ng Coronavirus sa team ni US President Donald Trump na una na ring nagpositibo sa virus.
"Over the last 5 days I have been working remotely and self-isolating, testing negative every day through yesterday," pahayag ni Miller.
"Today, I tested positive for COVID-19 and am in quarantine."
Samantala, noong Lunes, October 5, nakabalik na sa White House si Trump matapos ang tatlong gabing pananatili nito sa isang military hospital, kung saan ipinahayag niya sa kanyang mga kababayan na hindi dapat matakot at huwag hayaang talunin ng Coronavirus.
Ito'y sa kabila ng ang pandemya ng COVID-19 ang pumatay sa mahigit 210,000 katao sa United States na naitalang lugar na may pinakamaraming nasawi sa lahat ng mga bansa.
Ayon kay White House Deputy Press Secretary Brian Morgenstern, bukod kay Miller, may mga bagong kaso pa ng virus sa White House.
Samantala, kabilang sa mga opisyal na naitalang nagpositibo sa test sa COVID-19 si Trump at asawang si Melania Trump. Ang adviser ni Trump na si Hope Hicks, si White House spokeswoman Kayleigh McEnany, ang campaign manager ni Trump na si Bill Stepien at ang Republican senators na sina Mike Lee, Thom Tillis at Ron Johnson.
Gayunman, ang asawa ni Miller na si Katie Miller na spokeswoman ni Vice-President Mike Pence ay nagpositibo rin sa test noon pang May at nakarekober na sa COVID-19.





Comments