top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Westbrook, lumipat ng team, rigodon ng players, tuloy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 10, 2023




Nagbukas ng bagong kabanata sa karera ni Kyrie Irving at tinulungan niya ang kanyang bagong koponan Dallas Mavericks sa 110-104 panalo laban sa LA Clippers sa tampok na laro sa NBA kahapon sa Crypto.com Arena. Hindi nagpahuli ang Los Angeles Lakers at ginulantang ang liga sa paglipat ni Russell Westbrook sa Utah Jazz.


Gumawa ng apat na magkasunod na puntos si Irving upang bigyan ng 106-99 lamang at 1:17 sa orasan. Sapat na iyon at sinigurado ng tres at free throw ni Tim Hardaway Jr. ang pag-akyat ng Dallas sa 30-26.


Namuno agad si Irving na may 24 puntos at tinakpan ang patuloy na pagliban ni Luka Doncic na may pasa sa sakong. Sumunod si Hardaway na may 19 puntos.


Isang araw matapos maabot ni LeBron James ang marka para sa pinakamaraming puntos sa kasaysayan ng NBA, ipinadala ng Lakers si dating MVP Westbrook sa Jazz sa isang komplikadong transaksyon kasama ang Minnesota Timberwolves. Makukuhang kapalit ng Lakers sina Malik Beasley at Jarred Vanderbilt ng Jazz at ang balik-Lakers na si D’Angelo Russell ng Timberwolves.


Kasama sa palitan si dating All-Star Mike Conley na lilipat mula Jazz papuntang Minnesota kasama si Nickeil Alexander-Walker. Maglalaro na para sa Timberwolves sina Westbrook, Juan Toscano-Anderson at Damian Jones mula sa Lakers.


Nagkataon na may laro ang Minnesota sa Utah kahapon at nanambak ang bisitang Timberwolves, 143-118, subalit hindi muna ginamit ang mga kasama sa palitan. Nanguna sa Minnesota sina Anthony Edwards na may 31 at Jaylen Nowell na may 30 puntos.


Sa ibang laro, nalusutan ng Sacramento Kings ang Houston Rockets, 130-128, at nasayang ang 41 puntos ni kabayan Jalen Green.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page