Weightlifters, Diaz at Castro nag-tig-3 ginto sa 2026 Asian Youth & Jr Championships
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 9, 2026

Photo: Castro at Diaz
Bumuhat ng pambihirang tatlong gintong medalya si World Champion Alexsandra Ann Diaz, habang sinabayan rin ng pag-angat ng sarili niyang sweep sa ginto si Jerick Icon Castro, kaantabay ang bagong rekord sa clean and jerk sa magkahiwalay na tagumpay sa 2026 Asian Youth at Junior Championships na ginaganap sa Tashkent, Uzbekistan.
Nagawang dominahin ng pamangkin ni 2020 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang women’s under-49kgs youth division kasunod ng pagbuhat sa kabuuang 169kgs, mula sa 92 kgs sa clean and jerk at 77 sa snatch, habang kinarga ni Castro ang kabuuang 260 kgs mula sa 116kgs sa snatch at 144 sa clean and jerk sa men’s 60kgs youth category.
Nahigitan ni Diaz si Chinese Taipei lifter Pei-Quan Huang na tumapos sa 141 kilograms, at Chun-Yu Lin na nakuntento naman sa bronze medal sa 140 kilograms. Matatandaang nagwagi si Diaz ng tatlong ginto sa 2026 IWF World Youth Weightlifting Championships sa Cali, Colombia sa pagbuhat sa 98 kgs sa clean and jerk para lampasan ang youth world standard na 97kg bago buhatin ang kabuuang 175kg, para higitan ang dating youth record na 173 kgs.
Nag-angat rin ng karagdagang gintong medalya si Prince Keil delos Santos sa 120kgs snatch, ngunit nakuntento sa bronze medals sa 264kgs total at 144 kgs clean and jerk sa men’s 60kgs junior category, habang nagdagdag rin ng dalawang tanso si Kirby Kent Alas sa snatch (110kg) at total (243kg) sa youth men’s 60kg class.
Umabot na sa 10 gintong medalya ang nahakot ng Pilipiinas kabilang ang dalawang ginto mula kay Althea Bacaro sa youth women’s 45kgs at ni Jay-R Colonia sa dalawng silvers sa men’s 55kgs youth category, nitong Sabado, upang maisama na sa kabuuang apat pilak at siyam na bronze medals.





Comments