Website ng Kamara, na-hack
- BULGAR
- Oct 15, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @News | October 15, 2023

Hindi na ma-access ngayon ang website ng House of Representatives matapos itong ma-hack ng isang anonymous user na “3musketeerz” ngayong Linggo ng umaga, Oktubre 15.
Isang troll face meme na may may mensaheng "you've been hacked" at "have a nice day" ang unang na-publish sa website. Sa ibaba ng troll face ay may mensahe ring nakalagay na “Happy April Fullz Kahit October palang! Fix your Website.”
Naglabas na ng pahayag si House Secretary General Reginald Velasco kaugnay sa hindi otorisadong pag-access sa website ng Kamara.
"Immediate steps have been taken to address the issue, and we are working closely with the Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) and law enforcement agencies concerned to investigate the matter."
Matatandaang noong Setyembre 22 ay inakate rin ang isang system ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pinigilan ang pag-access nito sa loob ng isang linggo.
Ang portal ng OneExpert ng Department of Science and Technology ay na-cyberattacked din noong Agosto 31.
Sa isang pahayag noong Oktubre 13, tiniyak naman ng DOST na walang personal data ang nakompromiso ng virtual assault.





Comments