top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Warriors, oras na nagipit, kay Stephen Curry kumapit

BULGAR
Jun 12, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 12, 2022



Bumuhos ng kakaibang laro ang superstar upang itulak ang kanyang Golden State Warriors sa 107-97 panalo sa Boston Celtics at itabla ang 2022 NBA Finals sa 2-2 kahapon sa TD Garden.


Nagtapos si Curry na may 43 puntos buhat sa pitong tres at 10 rebound. Sinuportahan siya nina Klay Thompson na may 18, Andre Wiggins na may 17 at reserba Kevon Looney na may 14 puntos.


Pinasahan ni Curry si Thompson para sa three-points na nagbalik ng lamang sa Warriors na may 4:25 sa orasan, 95-94 at hindi na nila binitiwan ito. Iyan ang naging simula ng 10 sunod-sunod na puntos na tinuldukan ng tres ni Curry para sa 100-94 lamang at 1:42 ang nalalabi.


Hindi pa tapos si Curry at nagdagdag ng limang free throw upang masigurado ang tagumpay. Hindi pa natatalo ng dalawang sunod ang Golden State ngayong playoffs.


Nanguna sa Boston si Jayson Tatum na may 23 puntos at 11 rebound. Sinundan siya nina Jaylen Brown na may 21 at Marcus Smart na may 18 puntos.


Magandang balita sa Warriors ang paglaro ni Curry na napilay ang kaliwang paa bago ang last 2 minute ng Game 3 kung saan nanaig ang Celtics, 116-110. Kinalimutan niya ang sakit upang maghatid ng hindi makakalimutang laro.


Babalik ang seryeng best -of-seven sa Chase Center para sa mahalagang Game 4 ngayong Martes ng umaga, oras sa Pilipinas. Ang Game 6 ay sa TD at kung kailangan, ang Game 7 ay sa Chase.


Samantala, itatalaga ang dating PBA import at kasalukuyang assistant coach ng Utah Jazz Deli Demps sa isang mataas na tungkulin sa pamunuan ng Minnesota Timberwolves. Si Demps ay naglaro sa PBA para sa 7-up at Shell noong dekada 90 at natuluyang nakilala bilang Generals Manager ng New Orleans Pelicans mula 2010 hanggang 2019.


Laro ngayong Martes- Chase Center 9 a.m. Boston sa Golden State.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page