top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Warriors, NBA World Champ, Steph Curry, Finals MVP

BULGAR
Jun 18, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 18, 2022



NBA World Champion na ang itawag muli sa Golden State Warriors. Naglabas ng kakaibang bangis ang koponan at binigo ang Boston Celtics, 103-90, upang mauwi ang kanilang ika-pitong kampeonato kahapon sa Game Six ng 2022 NBA Finals mula sa TD Garden.

Dala ng mga sigaw ng mga tagahanga, tumalon ang Celtics sa 14-2 lamang sa likod nina Jaylen Brown, Jayson Tatum, Marcus Smart at Al Horford sa unang 4 na minuto ng laban. Subalit hanggang doon na lang sila at kumilos ang Warriors at bumaha ng 21 sunod-sunod na puntos – 11 upang wakasan ang first quarter at 10 sa simula ng second quarter – para sa 37-22 lamang at hindi na nila binitawan ito.

Sinimulan ng shoot ni Gary Payton II ang arangkada ng Golden State at sinundan ng tatlong three-points nina Stephen Curry, Jordan Poole at Draymond Green. Hindi pa tapos si Poole at rumatrat ng dalawa pang tres kasama ng apat na puntos ni Andrew Wiggins at nahirapang makabawi ang Boston.

Dahil sa kanyang ipinakita, iginawad kay Curry ang Bill Russell NBA Finals Most Valuable Player sa unang pagkakataon. Ito na ang ika-apat na kampeonato ng Golden State buhat noong 2015 upang sundan ang mga tropeo noong 1975, 1956 at 1947 na pinakaunang taon ng NBA.


"This is what it's all about, playing for a championship and what we've been through the last three years," ani Curry. "Beginning of the season, nobody thought we'd be here except everybody on this court right now, and it's amazing. Very surreal, though. "You never take this for granted because you never know when you're going to be back here. And to get back here and get it done, it means the world."

Hindi lang si Curry ang bumida at malaki ang tulong ni Wiggins na may 18 puntos at reserba Poole na may 15 puntos. Parehong tig-12 puntos sina Klay Thompson at Green na humakot din ng 12 rebound.

Para kay Thompson, ang kampeonato ang gantimpala sa kanyang mahigit dalawang taon na pagtitiis habang nagpapagaling ng tuhod bago nakabalik noong Enero. Ang serye din ang nagsilbing daan para ipamalas ng Warriors ang ibang mga sandata sa pag-usbong ng laro nina Wiggins, Poole at Payton upang resbakan ang “Splash Brothers” Curry at Thompson.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page