Warriors, binigo ang Aces sa Farewell 3rd shot win
ni Gerard Arce - @Sports | February 24, 2022

Naging madali para sa NLEX Road Warriors ang daan patungo sa tagumpay gayundin ang asam na Top 4 slot sa playoffs nang palamigin ang mainit na Alaska Aces kahapon sa bisa ng 106-89 na panalo sa mas umiinit na tagpo sa PBA Governor’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City matapos ang mahigit 2 taon.
Bumitaw ng matinding panimula si dating Letran Knights star Kevin Alas ng 15 sa 19 puntos sa first quarter upang tuluyan ng lumayo sa pagputok ng first period.
Nagtala ito ng 7-of 14 shooting habang nakakuha ng suporta ang 30-anyos na 2014 2nd overall pick kina import KJ McDaniels sa 27 pts at kina Jericho Cruz na may 21 at 10 ni Don Trollano.
Maagang tinungga ng Road Warriors ang Aces sa pagtala ng 38-17 na kalamangan sa first quarter. Napa-abot pa sa biggest lead na 29-points ang kalamangan ng NLEX sa 86-57 sa third period sa nalalabing 1:17 sa laro mula sa jump shot ni Kris Porter.
“We’re playing Alaska, we know na inspire sila maglaro and also we know na magiing extra motivated sila, that’s why our coaches pushes us to put extra effort para sabayan yung momentum nila sa game. It’s a good win for us to get this victor, but we always look at this game as one game at a time look and looking forward and focus sa next game,” pahayag ni Alas.
Matapos maranasan ang pagkatalo kontra sa Phoenix Super LPG noong 2021, napagtanto ni NLEX coach Yeng Guiao na kailangan nilang mapanatili ang mainit na simula at naipong kalamangan upang hindi na maulit na mabalewala ang kanilang pinaghirapan kasunod ng pagkakalugmok ng tatlong sunod na pagkatalo matapos ang 4-0 start sa komperensiya.





Comments