Warrant ng ICC, stupid — Sen. Robin
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 13, 2026

Photo: Robin Padilla - Senate PH
Mariing inihayag ni Senator Robin Padilla na walang halaga para sa kanila ang inihaing warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa panayam kay Sen. Robin, sinabi nitong hindi nila napag-uusapan ang naturang warrant at para sa kanila, ito ay hindi valid.Aniya, mababahala lamang sila kung ang warrant of arrest ay inisyu mula sa bansa.
“Kung warrant ‘yun galing sa Pilipinas, ‘yun mababahala kami. Pero kung warrant sa ibang bansa, stupid,” anang senador.
Sa kasalukuyan, mahigpit na binabantayan ang opisina ni Sen. Bato sa Senado.





Comments