Wanted sa flood control scam... Ex-DPWH official, sumuko sa Israel
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 22, 2026

Photo: DPWH–MIMAROPA official Montrexis Tordecilla Tamayo - File CIDG
Sumuko sa bansang Israel ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos umanong malaman na may arrest warrant na ito.
Ang impormasyon ay ipinagbigay-alam ng abogado ni Montrexis Tordecilla Tamayo, dating hepe ng Planning and Design Division ng DPWH Region IV-B, sa Sandiganbayan nitong Huwebes.
Ayon kay Atty. Von Añonuevo, nasa Egypt ang kanyang kliyente nang malaman nito na may inilabas na warrant of arrest laban sa kanya ang Sandiganbayan.
“Siya po ay nasa isang Roman Catholic pilgrimage sa Egypt,” ani Añonuevo matapos ang pagdinig sa Sixth Division ng korte.
Dahil pinakamalapit umano ang embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, Israel, doon nagpasya si Tamayo na kusang sumuko.
Si Tamayo ay co-accused ni dating Cong. Zaldy Co sa multi-billion flood control projects anomaly.
Hindi pa malaman kung kailan ang takdang pag uwi ng gobyerno kay Tamayo sa bansa.





Comments