top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wangs-Letran at Green Archers, agawan sa panalo sa D-League

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 26, 2022




Magbabalik aksiyon ang nangungunang Wangs-Letran kontra EcoOil-De La Salle ngayong Martes sa 2022 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Nakatakda para sa 1 p.m ang nasabing laro kung saan itataya ng Knights ang kanilang malinis na 3-0 kartada kontra sa Green Archers na may 2-2 panalo-talo at nasa gitna ng walong koponan na torneo.


Huling naglaro ang Knights noong Hulyo 15 kung saan nanaig sila sa Marinerong Pilipino, 70-64, sa isang sinasabing maaaring maging patikim ng kampeonato. Galing ang Letran sa isang bakasyon sa Singapore at Malaysia na bahagi ng kanilang gantimpala para sa pag-uwi ng kampeonato ng NCAA Season 97.


Inaasahan na maglalaro rin sina Rhenz Abando at Fran Yu sa unang pagkakataon.


Habang wala ang dalawang bituin, habang wala ang dalawang bituin, nagpasikat sina King Caralipio, Mark Louie Sangalang, Kobe Monje, Brent Paraiso at Paolo Javillonar sa kanilang tatlong panalo sa Adalem Construction-St. Clare, AMA Online Education at Marinerong Pilipino.


Para sa Green Archers, doble kayod ngayon si Michael Phillips sa gitna ng maraming kakamping pilay o may sakit. Hindi rin makakatulong ang napipintong suspensiyon ni Cyrus Austria matapos palabasin sa huli nilang laro kontra Apex Fuel bunga ng unsportsmanlike foul.


Sa unang laro sa 11:00 ng umaga, sisikapin ng Marinerong Pilipino (3-1) na manatiling malapit sa Wangs laban sa kulelat na AMA Online Education (0-4). Pangunahin para sa Skippers ang makahanap ng gagawa ng puntos matapos pumirma si Jollo Go ng kontrata sa Blackwater Bossing sa PBA noong nakaraang linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page