top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Walong presidentiables, handang talupan ang Customs na talamak sa korupsiyon

BULGAR
Mar 2, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 2, 2022


TALAMAK ANG KORUPSIYON SA BUREAU OF CUSTOMS–Sa tanong sa siyam na aspirante sa pagka-pangulo na dumalo sa pa-debate ng CNN kung ano’ng ahensiya ng pamahalaan ang una nilang iimbestigahan na may kaugnayan sa korupsiyon, walo ang sumagot na Bureau of Customs (BOC) ang kanilang iimbestigahan, habang isa lang ang sumagot na Department of Health ang kanyang paiimbestigahan.


Aba’t patunay ‘yan na talamak talaga ang katiwalian sa Customs, period!


◘◘◘


MGA BUWAYA SA CUSTOMS, TIYAK NA KAKABA-KABA–Dahil Customs ang pangunahing target ng walong presidentiables na imbestigahan tungkol sa korupsiyon, tiyak na kakaba-kaba ngayon ang mga “buwaya” sa Adwana.


Tiyak na kaso ang kanilang aabutin pagkatapos ng eleksiyon, kaya’t malamang ay ipinapanalangin nilang kapwa magnanakaw sana ang manalo para lusot pa rin sila sa kaso, boom!


◘◘◘


MGA MAGNANAKAW AT PLUNDERER, SANIB-PUWERSA–May kasabihan na “Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw,” pero sa mga trapo (traditional politicians) hindi uso ang kasabihang ‘yan.


Kapuna-puna kasi ngayon sa social media na ang mga magnanakaw na trapo ay nagsanib-puwersa, nagkampi-kampihan para tiyakin ang kanilang pagkapanalo sa halalan 2022, period!


◘◘◘


SUNTOK SA BUWAN ANG PANALO NI YORME–Hindi lang ang suporta ni P-Duterte ang hinihingi ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno, kundi pati ang suporta ng iba’t ibang religious group.


Pero ang problema, dedma si P-Duterte at ang mga religious group sa hinihinging suporta ni Yorme, at dahil d’yan, dapat tanggapin ni Yorme Isko ang katotohanang “Suntok na lang sa buwan” kung manalo siya sa 2022 presidential election, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page