top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Walking pneumonia’, huwag hayaang kumalat, mag-mask

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | December 7, 2023


Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng respiratory illness sa China at iba pang bansa sa Europe, walang outbreak ng ‘walking pneumonia’ sa ating bansa.


Ito ang tiniyak ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa, na kahit dumarami ang mga kaso ng pneumonia ay wala pang outbreak nito sa Pilipinas.


Paliwanag ni Herbosa, ang pagsirit ng respiratory illness sa China ay hindi sanhi ng bagong virus kundi ng mga dati nang microbes tulad ng mycoplasma pneumoniae, respiratory syncytial virus, at influenza.


Ayon kay Herbosa, sa Pilipinas ay wala pang outbreak nito, batay sa ating Epidemiology Bureau, bagama’t marami ang mga kaso dahil sa ito talaga ang season o panahon na nagsusulputan ang respiratory illness.


Ang ‘walking pneumonia’ ay isang mild bacterial infection na kahalintulad ng sipon.


Gayundin, hindi ito gaanong seryosong anyo ng lung infection pneumonia. Madalas itong sanhi ng bacteria na tinatawag na mycoplasma pneumoniae, subalit ang iba pang bacteria o virus ay maaari ring maging dahilan nito.


Pinayuhan naman ni Herbosa ang publiko na sundin ang mga health protocols na ipinatutupad sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, gaya ng pagsusuot ng face masks.


Hindi biro ang mga pinagdaanan natin noong panahon ng pandemya. Dahil dito, natuto tayo at naging mas maingat sa maraming bagay para higit na mapangalagaan ang ating kalusugan.


Marahil, dapat nating isagawa ulit ang ating natutunan noon, gaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask. Iwasan din natin ang mga lugar na napakaraming tao. Kung masama naman ang pakiramdam ay huwag na munang pumasok sa trabaho o iskul para hindi na lumala pa ang kalagayan.


Tayo na mismo ang magprotekta sa ating sarili, kahit sinasabi ng kinauukulan na wala pang outbreak nito sa ating bansa. Huwag nating payagan na maulit ang mapait na mga karanasan sa COVID-19 pandemic.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page