top of page
Search
  • BULGAR

Walang takot si Catacutan, Valenzuela inangklahan

ni Rey Joble @Sports | May 2, 2024




Kung mayroon mang player na walang takot sa anumang hamon sa basketball ito ay si Orin Catacutan.


Muling pinatunayan ni Catacutan na handa siyang humarap sa laban ano man ang pagkakataon at nitong Martes ng hatinggabi, pinatahimik niya ang Patriots ng Parañaque sa harap ng kanilang mga taga-suporta sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).


Isang game-winning jumper ni Catacutan ang tumapos sa magandang simula ng Patriots at bitbitin ang Valenzuela sa 70-68 panalo sa Olivarez College Gym sa Parañaque.


Ang naturang buslo ang nagdala sa Classic ng Valenzuela sa kanilang ikatlong panalo sa limang laro habang pinalasap naman nila sa Patriots ang una nilang kabiguan sa limang laban. “Talagang sa kanya yun lahat, yung huling play kasi nakita ko kung gaano kalaki ang puso niya,”ang sabi ni Valenzuela coach Aldrin Morante.


Tumapos ng 13 puntos at 7 rebounds si Catacutan, anak ng dating PBA player na si Israel Catacutan. Ang turnaround shot ni Catacutan na siyang nagpapanalo sa Valenzuela ay mas nangibabaw sa solidong laro ng iba pang miyembro ng koponan, kabilang ang double-double game ni CJ Payawal.


Kumolekta ng 13 puntos at 11 rebounds si Payawal habang 10 puntos at anim na rebounds naman ang nagawa ni Dennis Santos.


Kapana-panabik rin ang pagtatapos ng laro ng 1Bataan at Bulacan kung saan humabol mula sa apat na puntos na kalamangan sa huling 36 na segundo ang Risers para maitakas ang 92-90 na panalo.


Matapos maipasok ang isa sa dalawang free throws may 23 segundo pa ang nalalabi, isang turnover mula kay Justine Baltazar ang nagbukas ng pintuan para sa isang three-point shot na binitawan ni Yves Sason para itabla ang laban, 90-all.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page