top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Walang taas-presyo hanggang Disyembre, tuparin

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | October 25, 2026



Editoryal, Editorial


Magandang balita para sa mga mamimili ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon.


Ngunit hindi sapat ang pangako. Ang tunay na sukatan nito ay kung mananatiling abot-kaya ang mga bilihin sa mga palengke, grocery at sari-sari store.


Sa panahon na maraming pamilyang Pilipino ang nagtitipid, malaking bagay ang bawat pisong natitipid sa pagkain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan. 


Kaya mahalagang tiyakin ng DTI na hindi lamang sa papel umiiral ang katatagan ng presyo. Kailangang paigtingin ang monitoring, inspeksiyon at pagpapatupad ng mga patakaran laban sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo.


Dapat ding linawin na ang hindi pagtaas ng suggested retail prices ay hindi nangangahulugang awtomatikong bababa ang aktuwal na presyo ng lahat ng produkto. May mga bilihing naaapektuhan pa rin ng gastos sa transportasyon, suplay at produksyon.


Habang papalapit ang Pasko, inaasahang tataas ang demand sa mga pangunahing bilihin. Dito masusubok kung epektibo ang koordinasyon ng pamahalaan at mga manufacturer upang mapanatiling matatag ang presyo at sapat ang suplay.


Simple lamang ang hinihingi ng publiko: kung sinabing walang taas-presyo hanggang katapusan ng taon, dapat makita ito sa mga tindahan at maramdaman sa bawat pamimili.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page