top of page
Ellen Adarna - IG.jpg

MRT-3 privatization: Pasahero muna bago ang kita

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | October 24, 2026



Editoryal, Editorial


Planong isapribado ang operasyon at maintenance ng MRT-3 sa 2027. Ngunit kasabay nito ang pangamba kung magiging mas maayos ba ang serbisyo o mas mabigat ang gastos ng mga komyuter.


Maaaring makatulong ang pribadong sektor sa pagpapahusay ng mga tren at pasilidad, pero hindi garantiya ang pribatisasyon sa mas magandang serbisyo. Dapat tiyaking hindi magiging pabigat sa mga pasahero ang posibleng pagtaas ng pamasahe.


Mahalagang maging malinaw ang kontrata, pananagutan ng operator, at proteksyon sa mga komyuter. Hindi dapat isakripisyo ang kapakanan ng publiko para lamang sa kita.

Sa huli, hindi mahalaga kung gobyerno o pribadong kumpanya ang nagpapatakbo ng MRT-3 kung patuloy namang naghihirap ang mga pasahero.


Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay ligtas, mabilis, maaasahan, at abot-kayang biyahe. Serbisyo muna bago negosyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page