top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Walang taas-pasahe, 3 araw na tigil-pasada, tuloy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 5, 2026



Welga Tigil pasada taas pasahe rally - MANIBELA

Photo: File / MANIBELA



Itutuloy ng transport group na MANIBELA ang nakatakdang tatlong araw na transport strike mula Agosto 10 hanggang 12 kung hindi a-aprubahan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan para sa pansamantalang dagdag-pasahe.


Ayon kay MANIBELA chairperson Mar Valbuena, maaari lamang kanselahin ang tigil-pasada kung magkakaroon ng provisional fare increase o maibabalik ang naunang inaprubahang P1 dagdag-pasahe.


“Tuloy po ito. Depende po ito kung lalabas po 'yung provisional fare increase na sinasabi natin,” ani Valbuena.


Humihiling ang grupo ng P2 pansamantalang dagdag-pasahe habang dinidinig pa ang kanilang petisyon, dahil patuloy umanong nahihirapan ang mga tsuper at operator sa mataas na presyo ng langis.


Nauna nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magrerekomenda ito sa Department of Transportation (DOTr) ng pansamantalang fare hike at fuel subsidy para sa mga PUV.


Kinuwestiyon din ni Valbuena ang hindi pagdalo ng mga kinatawan ng Department of Energy (DOE), Department of Finance (DOF), at Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) sa pagdinig ng LTFRB, ngunit sinabi ng ahensya na iimbitahan ang mga ito sa susunod na hearing.


Nanawagan din si Valbuena ng pang-unawa sa publiko, at iginiit na ang transport strike ay huling hakbang dahil marami nang tsuper ang napipilitang hindi bumiyahe bunsod ng mataas na presyo ng krudo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page