Walang show o movie… YEN, SA YOUTUBE NA LANG KUMIKITA
- BULGAR

- Aug 15
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 15, 2025
Photo: Yen Santos - YT
Mas pinili ni Yen Santos ang mag-concentrate sa kanyang YouTube (YT) channel kesa atupagin ang mga bashers na wala namang naidudulot na maganda sa kanyang career.
Nag-e-enjoy ang aktres sa paghahanap ng bagong content para sa kanyang vlog.
Hindi naman tatalikuran ni Yen ang showbiz, patuloy pa rin siyang aarte kung may magandang project na io-offer sa kanya.
Sey nga ng mga netizens…
“‘Di ako fan at ‘di rin ako hater. Pero okey na ‘yan, pumasok s’ya sa YT. At least, may pumapasok na income.”
“Sana lang, hindi naninisi o nanira pa ng iba. Lalo lang nainis ang mga tao sa kanya.”
Hater lang talaga siguro ni Yen ang ibang commenter tulad ng nagsabi ng, “Nag-cleansing si Ante. Medyo manipulation ng image na ginagawa n’ya. PBB (Pinoy Big Brother) pa lang, nasa toxic group na ‘to, eh.”
“Ba’t parang hindi genuine ‘yung pagtawa n’ya.”
“Parang bagong panganak si Ante.”
Oh, ‘yan, Yen. Bago na namang isyu. Ilang beses ka bang manganak sa isang taon?
Hahahaha!
KIM AT ATE NIYANG SI LAKAM, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA SA IG
GUMAWA ng ingay sa social media ang pag-unfollow sa isa't isa sa Instagram ni Kim Chiu at ng kanyang Ate Lakam.
Ayon sa mapanuring mata ng mga netizens, hindi na raw nila nakikita sa listahan ang pangalan ng sister ni Chinita Princess na naka-follow sa kanyang account, gayundin naman daw ang name ni Kim sa listahan ng kanyang Ate Kam.
Dahil dito ay na-curious ang mga netizens kung ano ang naging dahilan ng pag-unfollow ng magkapatid sa isa't isa.
Sa loob ng maraming taon, ang kanilang relasyon ay nakikita ng mga tagahanga, kaya ang biglaang pagbabago ay naging usap-usapan sa social media.
Sa ngayon ay wala pang nagsasalita sa publiko isa man sa magkapatid kung bakit sila naka-unfollow sa isa’t isa. Isang malaking question mark ito, lalo na sa mga tagahanga ni Kim Chiu.
ANG daming nagtatanong kung sasabak daw ba si Nadine Lustre sa isang pageant. May nakakita kasing nagte-training ang aktres na siyang ginagawa ng mga gustong sumali sa isang beauty pageant.
Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagsasanay ang aktres ay paghahanda pala ito para sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ngayong taon.
Ibinahagi ng Viva Artists Agency ang larawan at ibinunyag din kung ano ang kanyang pinaghandaan.
Ayon sa larawan na ipinost ng Viva, “SPOTTED: Naghahanda si Nadine Lustre para sa kanyang upcoming MMFF movie project ng award-winning director na si Jun Lana.”
Ang pelikula ay ang pagsasamahan nila ni Vice Ganda na may title na Call Me Mother (CMM), na opisyal entry sa MMFF 2025. Ang pelikulang ito ay co-produced ng ABS-CBN Film Productions Inc., The Idea First Company, at Viva Communications Inc..
Sa nakaraang MMFF ay may entry din si Nadine, ang Uninvited, kung saan nakatrabaho niya ang mga icons na Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang dating matinee idol na si Aga Muhlach.










Comments