Walang planong-ipostpone ang Olympics, may COVID o wala
- BULGAR

- Sep 11, 2020
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | September 11, 2020

Hindi mapipigilan ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic ang lahat ng plano ng International Olympic Committee (IOC) na itulak ang pagdaraos ng nakaabang na Tokyo Olympics sa susunod na taon – kahit pa man patuloy pa rin itong mapanganib sa lahat ng kalahok.
Inihayag ni IOC vice president John Coates na paninindigan nilang isagawa ang quadrennial meet kahit pa man mayroon o walang Covid-19. Samakatuwid ay bumuo pa ang mga ito ng temang “Games that Conquered Covid” para iparating sa lahat na desidido silang ipagpatuloy ang naturang palaro sa revised date nito na Hulyo 23, 2021 sa Tokyo, Japan.
“It will take place with or without Covid. The Games will start on July 23 next year,” wika ni Coates sa panayam ng AFP, na siya ring namumuno sa IOC Coordination Commission para sa Tokyo Games. “The Games were going to be, their theme, the Reconstruction Games after the devastation of the tsunami. Now very much these will be the Games that conquered Covid, the light at the end of the tunnel,” dagdag ni Coates hinggil sa mapinsalang earthquake at Tsunami na humagupit sa Northern part ng Japan noong 2011.
Nitong taon lang ay napagdesisyunan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Olympics na ipinagpaliban ang world-wide multi-sports event dulot ng pananalasa ng pandemya.
Ngunit nananatiling malaking katanungan pa rin ay ang patuloy na pagsasara ng mga banyagang bisita sa bansa, gayundin ang paghihintay sa vaccine na inaasahang aabot ng buwan o taon, ayon sa espekulasyon ng mga eksperto. Nauna ng inamin ng Japanese organizers na hindi na nila maaari pang iantala pa sa ikalawang pagkakataon ang Olympics sa 2021. Subalit ayon sa inilabas na polls sa kanilang bansa ay hindi masyadong pabor ang mga hapon at nais na muling ipagpaliban o kanselahin nang tuluyan ang mga laro.
“Their job now is to look at all the different counter-measures that will be required for the Games to take place," saad ni Coates, na nagsilbi rin ng matagal na panahon bilang President ng Australian Olympic Committee. “Some countries will have it (Covid) under control, some won't. We'll have athletes therefore coming from places where it's under control and some where it is not. There's 206 teams... so there's a massive task being undertaken on the Japanese side.”





Comments