ni Beth Gelena @Bulgary | September 4, 2024
Totoo bang hindi na bahagi ng Careless Management ni James Reid si Liza Soberano? Hindi na umano nagpa-follow sa Instagram (IG) ng management ang aktres.
“Careless, ano'ng nangyari? Pabulong naman sa ‘ming mga Marites,” sabi ng isa.
“Hahahaha! Ang witty. Alangan namang mag-hang on pa siya d’yan, eh, nauwi sa kawalan ang career n’ya,” dagdag pa ng iba.
“'Yun lang, wala namang ambag ang agency sa kanya,” sabi pa ng isang netizen.
“Well, both of them couldn’t CARE LESS,” pahayag ng isa.
May nagsasabi namang, “4 months ago pa s’ya under Verve Agency for her endorsements management,” at “Eh, ‘di ba, 2 years lang naman ang contract n’ya du’n, sabi ng mga fanneys n’ya? Baka nga natapos na. Well, good for her kasi parang s’ya lang din naman ang nagtatrabaho sa company na ‘yun.”
“Finally. Tbh (to be honest), ‘di n’ya talaga kailangan ang agency na ‘yan. She can be independent naman, tutal parang s’ya lang din naghahanap ng mga raket n’ya, pabalik-balik nga ‘yan, ‘di ba?” dagdag pa ng isang netizen.
Sey pa ng ibang nagkomento, “Ganyan na lang ang balita kay Hope?”
“Very Call Center hopper ang peg ni Liza. Hahaha! ‘Yan naman din talaga ang secret for success, lipat lang nang lipat sa mas malaki ang offer.”
“It was a career suicide what she did. Burning bridges, bad-mouthing people who brought her to stardom.”
“It’s BRAVERY, something na wala sa kanyang mga ka-contemporaries.”
“True s’ya yata pinakabata sa batch nila? At pinakamatapang para bitawan lahat at magsimula sa umpisa.”
Ano’ng sey n’yo sa isyung ito, mga Ka-Bulgar?
USAP-USAPAN ang bagong video nina Kyline Alcantara at Kobe Paras kung saan kumakanta ng Dancing Queen (DQ) ang Kapuso actress.
Isang netizen ang nag-upload ng video sa socmed (social media) na ngayon ay viral. Ang nasabing video ay kuha sa parehong venue ng kumalat na video kamakailan kung saan nakakandong si Kyline kay Kobe.
Well, una nang nagbigay si Kyline ng pahayag na wala raw siyang dapat ipaliwanag sa publiko hinggil sa nasabing event kung saan sila ay na-capture sa video.
Ngayon, muling nagkaroon ng usap-usapan sa social media dahil sa bagong video nilang dalawa. Sa video, makikita na habang kumakanta si Kyline ng DQ ay sumasayaw naman si Kobe sa tabi ng aktres kasama ang ibang tao sa party.
Sa isang bahagi, itinuro ng aktres ang dibdib ni Kobe. Walang nabanggit kung saan ginanap ang event, ngunit hindi maikakaila na ito ay isang private event.
Sa ngayon, hindi maiinterbyu ang Kapuso actress dahil nasa New York ito at doon nag-celebrate ng kanyang kaarawan noong Setyembre 2. Hindi klaro kung kasama o sumunod si Kobe sa nasabing okasyon.
NAGPASALAMAT si Sarah Geronimo kay Ralph Xyrel Villaruz dahil sa estudyanteng ito ay muling nakilala ang version niya ng Maybe This Time (MTT).
Si Ralph na isang TikToker ay 10th grader sa Zamboanga na gumawa ng sarili niyang choreo sa tono ng MTT, at hindi niya inakalang magba-viral ito.
Matapos sumikat ang dance cover ni Ralph, na-feature siya sa ilang TV programs at kamakailan nga ay nag-guest sa It’s Showtime (IS) at ASAP, kaya lalong umingay ang kanyang pangalan.
Sa naturang video, makikitang masayang-masaya si Sarah Geronimo habang sinasabi ang kanyang mensahe kay Ralph.
Dagdag pa niya, “See you soon, Ralp.”
Nagpapahiwatig ito ng kanyang kagustuhang makita at makilala nang personal ang batang naging inspirasyon sa muling pagsikat ng kanyang kanta.
ความคิดเห็น