ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 28, 2024
Muling uminit ang ulo ni Sen. Jinggoy Estrada kahapon sa Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing kung saan dinidinig ang mga kasong sexual harassment sa showbiz, kabilang na ang reklamo ni Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Wala si Cruz sa hearing dahil naka-confine raw ito sa ospital sanhi ng gastrointestinal bleeding.
Halos walang naisagot si Nones sa maraming katanungan ni Sen. Jinggoy, at ang lagi niyang sagot ay “I invoke my right to self-incrimination, your honor.”
Tinanong ng senador si Nones kung totoong uminom sila ng alak ni Cruz at kung pinainom din nila si Sandro, pero tumanggi rin ang akusado na sagutin ito.
“That is not an incriminating question,” giit ni Jinggoy.
“You still want to be detained there?” tanong pa niya.
Tinanong din ng senador si Nones kung gising ba sila ni Cruz pagkaalis ni Sandro sa tinutuluyan nilang hotel. Muli ay hindi ito sinagot ng akusado.
“Again, your honor, I invoke my right to self-incrimination,” ulit na naman ni Nones.
“Ibig sabihin nu’ng umalis si Sandro, ‘di n’yo alam kung gising kayo o tulog kayo, ganu’n? That is very ridiculous. ‘Di mo alam na umalis si Sandro, ganu’n?” natatawang naiinis na saad ni Sen. Jinggoy.
“Your honor, everything we say here may be connected to the facts of the ongoing case,” sagot uli ni Nones.
“I reiterate that you are still detained there,” sabi ng senador.
Sa isang bahagi ng hearing ay makikitang napuno na si Sen. Jinggoy sa pakikipagtalo kay Nones at sinabihan niya itong, “Ikaw pa ang mayabang dito.”
Nangatwiran naman si Nones na hindi siya mayabang pero may karapatan din daw siya.
Pasigaw namang saad ng senador, “I know your rights!”
Saad pa niya kay Nones, “You’re always trying to evade the questions that are not incriminating to yourself at the very start of this hearing. You get a court order for you to be released here.”
Samantala, humarap din si Sandro Muhlach sa hearing at nagbigay pa ng karagdagang detalye sa mga naganap nang pumunta siya sa kuwarto nina Nones at Cruz noong July 21 nang madaling-araw.
SPOTTED si Jericho Rosales na dumalo sa 85th birthday celebration ng lola ni Janine Gutierrez na si Pilita Corrales kamakailan.
Ipinost ng user na si @ayca_lui sa kanyang X (dating Twitter) account ang video kung saan ay makikitang kinantahan pa ni Echo si Pilita.
“Jericho ‘matapang’ Rosales. Echo with Corrales-Gutierrez Family to celebrate Pilita's 85th birthday,” caption ng X user.
Kinilig naman ang mga fans nina Echo at Janine at pinuri ang aktor sa pagiging sweet.
Matatandaang umamin na si Jericho Rosales kamakailan na nasa dating stage sila ni Janine Gutierrez.
Commenti