Walang maibigay sa anak nila ni Mikael… MEGAN, NANGHINGI NG GATAS SA IBANG NANAY
- BULGAR

- Jul 10
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 10, 2025
Photo: Megan Young - IG
Sa Instagram (IG) post naman ng aktres na si Megan Young ay nagbahagi siya ng kanyang karanasan bilang ina.
Caption niya: “Started from 10ml a pump and now we’re here! (white heart) It was so frustrating in the beginning and honestly I cried the first time I had to pump my milk because I felt so much pressure to provide food for Leon.
“Since I didn’t have a lot of milk initially, I’m so thankful for all our friends and co-mommas that donated milk to our little one in the beginning!!! It’s been quite the journey to figure this whole side of motherhood.
“From taking anything with malunggay to downing clam broth, to eating oats and just doing anything and everything they said would increase my supply.
“But alas, we’re all different and this just happens to be my journey. I’m happy and proud with what I’m able to provide for my little one! (hands holding heart emoji) Fighting!!!”
Welcome to the motherhood, Megan.
Good vibes ang hatid ng social media post ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas nu’ng July 8, Tuesday.
Nagbahagi siya ng video clip kasama ang anak niyang si Sancho, na nakasakay sila sa tricycle papuntang parking lot kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan galing sa pamimili sa Divisoria ng harina na ginagamit nila sa kanilang bakery business.
Pinuri ni Ai Ai ang nagbalik na mayor ng Maynila na si Isko Moreno dahil napakalinis na raw ng Divisoria.
‘Kaaliw na kuwento pa ni Ai Ai, “Masaya ang lakad namin sa Divi. Tuwang-tuwa kami ni Sancho, the good son.
“Kani-kanyang character ang mga nagtitinda. May napuntahan pa nga kaming bilihan ng cling wrap and aluminum foil… naka-mask kasi ako pero super-tsika ako sa kanila. Sabi ko, ‘Ate, bakit malungkot ka?’ Sabi n’ya, ‘Puyat ako.’ Akala ko naman sa work. Hahaha! Nood daw kasi s’ya ng Chinese series.
“‘Kaloka, Ate! Ano ba ‘yan, baligtad, ‘di ba? Dapat ang customer ang tsinitsika ng nagtitinda… ako ang tsumika sa nagtitinda. Hahaha! (laughing emoji). ‘Kaloka, suplada sila nu’ng una.
Nu’ng may nagpakuha ng picture na customer nila, nagtanggal ako ng mask — bumait. Parang ewan. Hahahaha!
“And thank you nga pala kay BILOG, ang aming tricycle driver sa paghatid… ang layo kasi ng parkingan.”
Ang kulit talaga ng isang Ai Ai delas Alas!
IBA’T ibang kuwento ng pag-ibig ang hatid ng Tawag ng Tanghalan (TNT) Duets grand champions na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano o JMielle sa kanilang EP na pinamagatang JMielle in Love.
Inilabas sa ilalim ng Star Music ang mini-album na naglalaman ng isang original song at limang remake na binigyan ng bagong buhay ng tinaguriang Sidlak Bisdak duo.
Ang kantang Paano Ba Ang Magmahal, na unang inawit nina Piolo Pascual at Sarah para sa pelikulang The Breakup Playlist (TBP), ang nagsisilbing key track ng EP.
May bagong bersiyon din sina JM at Marielle ng OPM favorite na Ikaw ni Yeng Constantino at Magpakailan Pa Man nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.
‘Yun lang and I thank you.










Comments