Walang maayos na proseso sa mass vaccination
- BULGAR
- Aug 16, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | August 16, 2021
Idedemanda raw ang nagba-booster ng COVID-19 vaccine.
Over-over ang pagsunod na batas, pinasobra niya talaga
Eh, ‘yung ayaw magpabakuna — hindi ba idedemanda?
◘◘◘
BOOSTER daw ang pangontra sa Delta variant.
Gusto nilang nag-triple dose para makaligtas sa Delta variant, bakit kakasuhan?
◘◘◘
DAPAT kasuhan ay ang LGUs na palpak ang proseso sa vaccination.
Kahit high tech na, hindi pa ring maiayos ang “records” ng mga loko!
◘◘◘
KANIYA-KANYA rin ng paimprenta ng vaccination card.
Bakit hindi maglabas ng uniform na vaccination card ang IATF at iisang “coded number” lang lahat?
◘◘◘
DAPAT pagpapanumero ng vaccination card ay may iisang porma.
Halimbawa, ang lahat ng vaccination card sa Metro Manila ay nagsisimula sa NCR 001, NCR 002, etc.
Puwede ring lagyan ng abbreviation ang bawat siyudad at isunod sa NCR tulad sa Manila ay MLA, Pasay ay Pa; ang code number ng Maynila ay NCR MLA—001; at ang Pasay ay NCR PA—001, NCR PA— 002, etc.
◘◘◘
MALINAW na walang maayos na proseso sa mass vaccination.
Hindi ito dapat isisi sa ordinaryong mamamayan, bagkus ay mas responsilibilidad ito ng mga awtoridad!
◘◘◘
ANG lahat ng nababakunahan ay agad na ini-encod at ipina-post sa iisang “centralized control center” ng IATF.
Walang ganyan!
◘◘◘
MAHIGIT nang 18 buwan ang COVID-19 testing, pero wala ring sistema.
Umaasa lang ang DOH sa simpleng diskarte.
Dapat awtomatik na ipino-post at ini-encode ang lahat ng nagpapa-COVID-19 test sa iisang “centralized control center”.
Ito ay para sa validation at authentication!
◘◘◘
WALANG maayos na data management ang IATF at DOH.
Dapat ipatupad ito at pondohan!
◘◘◘
MAHALAGA ang authenticated at validated datos kaugnay ng COVID-19 dahil ‘yan ang pagbabatayan ng maseselang desisyon.
Kapag information ang pinagbatayan, magkakamali ang mga decision maker kasama na si P-Digong!
◘◘◘
SOBRA-SOBRA ang teknolohiya para magamit dito, pero mangmang pa rin ang mga opisyal ng pamahalaan.
May sobra-sobrang badyet na dapat ilaan dito!
◘◘◘
HINDI na tumatanggap ng non-COVID-19 patient ang ilang ospital.
Lintek, mas marami ang mamamatay kapag ganyan!
◘◘◘
DALAWA dapat ang “blackboard” ng bilang ng mga namatay.
Isang blackboard para sa bilang ng namatay sa COVID-19.
Isang blackboard para sa bilang ng mga namatay na tinanggihan ng mga ospital!
◘◘◘
ANG nasasaksihan natin ay mala-pandemonium.
Ito ay magiging grabe pa sa mga susunod na araw kapag pumalo na sa 50,000 hanggang 100,000 ang tinatamaan ng COVID-19 araw-araw!
◘◘◘
WALANG mahusay o pambihirang kilos ang gobyerno kontra sa third at 4th wave ng COVID.
Sila ay simpleng nagpopropaganda lang sa social media.
Kaawa-awa naman si Mayor Sara—matatalo sa eleksiyon dahil mismong sa katangahan ng mga nasa pamahalaan!





Comments