top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Walang lisensya, huwag mag-drive

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2024
1 min read

@Editorial | Pebrero 17, 2024


Pinag-uusapan ngayon ang panukalang irehistro na ang electric vehicle at dapat ay lisensyado lamang ang magmamaneho nito.


Kapansin-pansin na lalong dumami ang gumagamit ng mga electric vehicle kaya tama lang na magkaroon na ng malinaw na regulasyon tulad sa ibang sasakyan.


Sa pulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of the Interior and Local Government (DILG), nais ng mga ahensya na magkaroon ng batas na ipatutupad at susundin sa paggamit ng e-tricycle, e-bike, e-pedicab, e-scooter at kuliglig.


Kailangan na ang mga patakaran, alituntunin at maging ang ordinansa ng mga lokal na pamahalaan ay pinag-isang regulasyon lamang para maiwasan ang kalituhan.


Sa pamamagitan din ng regulasyon, maiiwasan ang problema sa trapiko na kinasasangkutan ng mga e-vehicle lalo na ang aksidente.


Hindi maitatanggi na dahil nga sa walang malinaw na batas, kahit saan at kahit sino ay nakakapagmaneho na ng e-vehicle.


Panahon na para mapagtuunan ito ng pansin bago pa lumala ang sitwasyon.


Kailangang makiisa sa usaping ito, huwag pasaway dahil para rin ito sa kaligtasan ng lahat.


Sakaling makabuo na ng regulasyon, kapag sinabing bawal ang e-vehicle sa national road, sumunod, ‘pag iniutos na dapat lisensyado lang ang magda-drive, sumunod.


Walang problema kung lahat ay responsable at disiplinado.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page