Criminology interns na pasaway sa trapiko, paano magpapatupad ng batas?

by Info @Editorial | October 27, 2026

Paano magiging tagapagpatupad ng batas ang isang taong hindi marunong sumunod sa simpleng batas-trapiko?
Nakakahiya at nakababahala na may mga criminology intern na naghahandang maging alagad ng batas ngunit sila mismo ang nagpapakita ng kawalan ng disiplina sa lansangan.
Hindi sapat ang pagsusuot ng uniporme at pagsasaulo ng mga batas. Kung simpleng traffic lights, road signs, at iba pang regulasyon ay hindi kayang sundin, paano sila pagkakatiwalaang magpatupad ng batas balang araw?
Ang batas ay hindi lamang para sa mga taong huhulihin nila. Ang batas ay para rin sa kanila.
Dapat ding managot ang mga mapatutunayang lumabag. Panahon nang higpitan ng mga paaralan at internship supervisors ang pagdidisiplina sa mga estudyanteng naghahangad pumasok sa law enforcement.
Hindi dapat idamay ang matitinong estudyante sa pagkakamali ng iilan. Ngunit sa mga pasaway, isang tanong ang dapat nilang sagutin:
Kung ngayon pa lamang ay hindi na ninyo kayang sumunod sa batas, anong karapatan ninyong magpatupad nito balang araw?



Comments