top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Walang kulong sa drug user, busisiin at pag-usapan munang maigi

BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

@Editorial | November 29, 2022


Kontrobersyal ang panukalang decriminalization o pag-alis-kulong sa paggamit ng ilegal na droga.


Marami ang napatanong kung nangangahulugan ba ito na okay lang gumamit ng illegal drugs dahil wala naman kaso at hindi makukulong?


Ang tanong ay patunay na maaaring magdulot ng maling mensahe sa publiko.


Kaya kailangan munang pag-aralang maigi ang ipinapanukalang decriminalization sa illegal drug use. Masyadong sensitibo ang usapin na dapat busisiin, pag-aralan at pag-usapan na muna nang mabuti.


Hindi ito maaaring ipatupad nang hindi napagdedebatehan at natitimbang ang magaganda o masasamang epekto ng decriminalization ng drug use.


Kaya kung magdalawang-isip man ang mga mambabatas sa isinusulong na batas ay tama lang.


At habang hindi pa umuusad ang panukala, palagi nating tandaan na ang walang naidudulot na mabuti ang paggamit ng ilegal na droga. Hindi ito ang solusyon sa ating problema at lalong hindi ito ang magbibigay sa atin ng tunay na saya.


Marami nang buhay ang napariwara dahil sa pagda-drugs at maraming pamilya rin ang nawawasak. Ganundin ang paglaganap ng iba’t ibang krimen.


Kaya pakiusap sa ating mga taga-habi ng batas, pag-aralan nating mabuti ang decriminalization ng drug use, nang maraming beses.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page