top of page

Walang katapusang pangungutang, makakabangon pa kaya ang ‘Pinas?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 17, 2023


Binabalak ng administrasyong Marcos na mangutang ng P3.08 trilyon sa susunod na taon at kinuwestiyon ito ni Senadora Imee Marcos.

Sa briefing sa Senado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa 2024 National Expenditure Program (NEP), pinuna ng mambabatas ang naturang balakin ng administrasyon ng nakababatang kapatid.

Ipinunto nito na sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19, umutang ang gobyerno ng kabuuang P2.74 trilyon.

Ngayong tapos na ang pandemic, bakit nga ba mangungutang na naman ang bansa?


Wala na bang katapusan na pangungutang ang mangyayari?


Samantala, sinabi naman ni Finance Sec. Benjamin Diokno na isosoli ng gobyerno sa Asian Development Bank, World Bank, at sa iba pa ang hindi nagamit na inutang na pera na ipambibili sana ng bakuna kontra COVID.


Paliwanag pa ng kalihim, kailangang mangutang ng gobyerno para pondohan ang mga infrastructure projects.

Aniya 21.6 porsyento ng hinihinging pambansang pondo sa susunod na taon ay gagamitin sa mga imprastraktura.

Kung hindi talaga maiiwasan na mangutang dahil kailangan, tulad ng hiling ng nakararami, sana ay maglabas ng listahan ng mga proyekto na popondohan.


Ipakita natin sa sambayanan na may pinatutunguhang kapaki-pakinabang ang bawat sentimo na galing sa kaban ng bayan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page