Walang bakuna kontra krisis ng ekonomiya, period!
- BULGAR
- Jun 25, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | June 25, 2022
HAWAK na ni P-BBM ang pangalan ng mga ismaglers.
Huh, dati nang “hinawakan” ‘yan ni P-Digong.
◘◘◘
SA totoo lang, maaaring italaga ni P-BBM bilang bagong komisyoner ng Bureau of Customs ang dating DepCom na si Atty. Rey Nicolas.
Si Atty. Nicolas ang tanging naka-solved ng ismagling sa bansa.
◘◘◘
ISANG bar topnotcher si Nicolas na nahasa sa ilalim ni Titus Villanueva pero kinuyog siya ng mga pusakal na ismagler kaya’t nagkusa na lamang siyang umalis sa serbisyo.
Hindi namumulitika si Nicolas at kabisado nito ang pasikut-sikot sa Adwana dahil isa siyang CESO—malaki ang maitutulong niya sa Administrasyong Marcos.
◘◘◘
HINDI na dapat magpatumpik pa si Marcos, dapat niyang baliin ang gulugod ng mga ismagler — nakataya rito ang seguridad ng bansa.
Ipakita dapat ni P-BBM—na siya ay “isang Marcos”—matalino at epektibo kung kumilos.
◘◘◘
HINDI dapat nagpapabola si P-BBM sa mga sepsep sa paligid, dahil maaaring ipahamak siya ng mga ito.
Ilan dito ay hindi naman talaga maka-Marcos, bagkus ay simpleng mga oportunista lamang.
◘◘◘
NAHAHARAP na sa krisis ang Germany.
Isang superpower din ang Germany, pero nagpapatuta siya sa US at Europe kaya’t nadamay sa krisis ang kanilang bansa.
◘◘◘
UMAAMIN ang mga eksperto na nahaharap ang daigdig sa isang economic crisis.
Pero, ayon sa ilang nagmamasid, sinasadya ang krisis upang isulong ang isang bagumbagong istilo ng ekonomiya — na kontrolado lamang ng iisang bansa.
◘◘◘
ANG India at China ay patuloy na pumapakyaw ng petrolyo mula sa Russia.
Ibig sabihin, aktuwal nang may “world war sa ekonomiya” ng daigdig.
◘◘◘
HINDI kayang diktahan ng US at Europe ang India at China.
Malinaw na “nahahati nang malinaw” ang buong daigdig.
◘◘◘
BANDANG 2024 at 2025 pa mararamdaman ang negatibong epekto ng world war sa ekonomiya.
Maraming gobyerno ang guguho at magmamakaawa — sa “superpower”.
◘◘◘
KAILANGAN makadepensa ang mga Pinoy.
Pumalo na sa halos P55 ang palitan kada dolyar.
Nagtatalon sa tuwa ang mga benepisyaryo ng dollar remittances.
Nangangatog naman sa takot ang mga importers.
◘◘◘
HANGGANG kailan mararanasan ang krisis sa ekonomiya.
Walang bakuna kontra sa economic crisis, wala ring solusyon.








Comments