top of page

Wala rin daw fitting, reserve, etc… GARAGE SALE NI HEART, BAWAL ANG PHOTO AT VIDEO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 25, 2026



Heart Evangelista - Instagram

Photo: Heart Evangelista - Instagram



Ngayong Saturday ang simula ng two-day Heart’s Closet Party kung saan ibebenta ni Heart Evangelista ang pre-loved stuff na hindi na niya ginagamit o isinusuot. 

April 25-26 ang garage sale at umaasa ang hindi makakapunta sa first day na may matitira pa sa second day.


Nakalatag sa Instagram (IG) ni Heart ang mga damit na ibebenta at sa dami, hindi naman siguro magkakaubusan. Kung maubos man sa first day ang shoes, bags, clothes at iba pang items, tiyak na may stock na pampalit si Heart at ang kanyang team.





Nakakatawa ang usapan ng mga fans kung magkano ang dadalhin nilang budget. May nagtanong kung may tig-P150 na items, at nasagot na dati na ang pinakamababa ay P500 o baka binabaan pa para mas marami ang makabili. Ang karamihan ay handang gumastos dahil minsan lang daw ito mangyari.


Bawal ang fitting, return, exchange, reservations, food at drinks sa loob ng sale area, at bawal din ang photos at videos. 


May paalala pa na, “Most pieces are preloved and may show signs of wear,” para walang sisihan.


Idea raw ni Angelica Panganiban ang magpa-garage o closet sale si Heart. Alam nito na marami nang gamit ang kaibigan kaya pumayag si Heart Evangelista. 





Pareho nang producer…

LIZA AT ENRIQUE, NATUPAD ANG PANGARAP NANG MAGKAHIWALAY



Nakakatuwa ang ex-couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil parehong pagiging producer ang pinuntahan nila. Si Liza ay co-producer ng anime web series na Sun Chaser (SC) under her Funny Face Films. Ito ang web series na kasama sa voice cast sina Liza, Charo Santos-Concio, Dingdong Dantes at anak na si Zia Dantes, at Manny Jacinto.


Co-producer naman si Enrique ng A Secret in Prague (ASIP) kung saan partner niya ang Slingshot Studios. 


Sa back-to-back launch ng nasabing romantic-thriller series at ng My Bespren Emman (MBE), nabanggit na kasama si Enrique sa creative team ng project. Kaya pala sa interview sa kanya, malaki ang pasasalamat niya na natuloy ang project.


“Super, super happy and super excited na natuloy na ito. A couple of years na ang project na ‘to for us to finally start, especially with this beautiful cast. Parang ‘di totoo sa sobrang tagal. I’m just really thankful and grateful for everybody responsible for this show and for making it happen. We’re airing next week,” excited na sabi ng aktor.


Ibinalita rin nito na kahapon, streaming na sa Netflix ang first project nila ni Andrea Brillantes na ASIP. Baka masundan pa ito ng ibang project dahil tanggap ng mga fans ang kanilang team-up at baka mauwi pa sa love team. 


Sa Monday, 8:00 PM, naman ang premiere sa TV5 ng A Secret in Prague.

“Yes!” ang sagot ni Enrique Gil nang tanungin kung happy ang ending ng love story nina Mikoy at Chiara. 


Marami raw kissing scenes na ginawa ang dalawa sa Prague kaya panoorin at subaybayan hanggang sa dulo ang nasabing series.





OBVIOUSLY, hindi alam ng mga bashers ni Jillian Ward na bukod sa acting, magaling din siyang dancer at singer. May nag-comment kasi na, “Ano’ng alam niya sa concert? Baka mag-TikTok lang ‘yan,” nang i-announce ng Sparkle GMA Artist Center na magkakaroon siya ng concert.


Wala pang title ang concert, ang date at venue pa lang ang inilabas. Gaganapin ito sa July 31, 2026 sa New Frontier Theater. 


Ang sabi lang, “Get ready to experience a night you will never forget!” pero may hate comment na agad.


Hindi Kapuso fan ang nagsabing magti-TikTok lang si Jillian dahil kung Kapuso fan siya, napapanood niya ang aktres kapag guest sa All-Out Sundays (AOS)


Sa mga out-of-town shows, total performance ang ipinapakita ni Jillian, kaya nanghihinayang ang mga fans na hindi masyadong nabibigyan ng pansin ng GMA Network ang talent nito sa singing at dancing.


Kaya pala nagbo-voice lesson si Jillian bilang paghahanda sa kanyang concert. Hindi nito bibiguin ang nagtitiwala at sumusuporta sa kanya. 


May nag-comment pa nga na, “Finally, may nakapansin din sa talent n’ya.”


Ang pakiramdam ng mga fans ni Jillian, simula na ngayong taon ang pagbi-build-up sa kanya sa sunud-sunod na project. Kapag natapos ang Never Say Die (NSD), may Behind Closed Door (BCD) series siya with Marian Rivera. 


Kasama rin daw siya sa cast ng 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng GMA Pictures na bida si Dennis Trillo. Nabalita rin na isa siya sa mga judges sa The Clash Teens (TCT)


Sana lang, walang magreklamo kung bakit marami siyang projects sa GMA. Ganoon talaga kapag ibini-build-up to full stardom.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page