Wala raw tumatagal sa aktres… RELASYON NINA AIKO AT ONEMIG, TINATANINGAN NA 2 YRS. LANG
- BULGAR

- 23 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 17, 2026

Photo: IG _aikomelendez
Hayan, pareho nang umamin sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc na official na ang relasyon nila as a couple.
Sey ni Onemig, “We are officially together. Sa mga gustong pumapel, sorry, guys. May nanalo na! Isang hamak na businessman na nagmamahal nang tapat.”
Sey naman ni Aiko, “The questions that they’ve been asking us, as if tayo na ba — it’s official. Yes, kami na po. Ikaw ang destiny ko.”
Inamin at kinumpirma na nina Aiko at Onemig na sila na nga at masaya sa kanilang relasyon.
Siyempre, marami ang kinilig para sa dalawa na mga dating fans nila noong That’s Entertainment (TE) days.
Pero ang iba ay nagkomento ng ganito…
“Hahaha! Another two years.”
“Ang tanda na, pang-ilan na ba ‘yan?”
“Sana nga, s’ya na ang destiny mo, ilang relasyon na ang nagdaan. Dalawang anak, magkaiba ng ama, at ang mga ama ng mga anak mo, happily married na rin. Kaya magkaroon ka na rin ng talagang makakasama hanggang pagtanda, ‘yung ‘di mo na kailangang magpapayat o magpabata para makatagpo ng guy na forever. Congrats na lang. Sana nga, s’ya na ang ‘the one.’”
“Bagay, sana hanggang sa wakas na ‘yan. Bagay na bagay kayo.”
“Oh, how sweet naman nila, walang tagu-tago. Kayo na talaga.”
“Cute story, just like Jomari (Yllana) and Abby (Viduya).”
“Twenty years ago na ‘yang picture ni Aiko. I believe in three years lang, wasak, hiwalay na naman ‘yan. Walang tumatagal na lalaki kay Aiko, alam n’yo na kung bakit.”
Hala! May ganern?
NAKAKALOKA si Melai Cantiveros, idinaan sa pagdyo-joke ang Valentine’s message niya para sa mister na si Jason Francisco.
Aniya, “Who stole my heart, liver, kidney, stomach, and fallopian tube.”
Sweet, pero humorous ang mensahe ng komedyana-aktres sa husband niya noong Valentine’s Day.
Pawang papuri ang mababasa sa mga komento ng mga netizens…
“Naalala ko na naman nu’ng PBB (Pinoy Big Brother) days nila, so organic ang kilig noon.”
“Best and most descriptive way of saying ‘I love you.’”
“Kakyut naman ng greeting.”
“Funny yet sweet.”
“Melai shows how to honor her man. This is the Godly way of marriage, for the wife to submit to her husband because the husband is the head of the family. Funny woman, serious wife and mother. Nawa’y dumami pa ang Melai sa mundo.”
“This woman is amazing with her wit.”
So kilig!
DAHIL nga nag-viral ang interview ni Kylie Verzosa sa ex-misis ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati ay nagkaroon ng iba’t ibang reaksiyon ang mga netizens dahil sinagot ni Raymond Gutierrez, utol ng aktor, ang tungkol sa sustento.
Sabi ni Mond, “My brother provides for his kids. Period. School, hobbies, travel, clothing, staff and everything else they need. The kids split their time equally between both parents. I can’t sit here and watch this and not state facts. I wish this was clarified during this interview.”
Humirit naman ang isang commenter sa reaksiyon ni Raymond, “The question was if she asked. Defensive masyado.”
May nagtanggol naman sa kambal ni Chard, “Reading comprehension really matters. If it is just a straightforward interpretation of what she said, wala ngang sinabi na ‘di nagsusustento. But if we base it on the context, parang ganu’n ang ipinapahiwatig. Though the comment got a lot of negative comments, it still successfully delivered his message na nagsusustento ang kapatid n’ya nang sapat. No misunderstanding in the end.”
Sey pa ng ibang Marites:
“Not so sure what the real situation is. How sure are you that he really provides for his kids? You can easily claim that he provides but we never know the real situation.”
Kinlaro naman ng isang netizen ang tanong, “Ang tanong ay s’ya ba ang lumalapit para humingi ng tulong? Wala namang sinabi na hindi nagpo-provide si Chard. Ang tanong ay kung humihingi ba s’ya personally at ang sagot ay hindi, kasi nagbibigay naman nang kusa.”
Uhm… siguro tigilan na ng mga content creators ang isyu kina Sarah Lahbati at Raymond Gutierrez. Pinagugulo lang nila ang sitwasyon. Okey na ang mga anak ng dating mag-asawa at co-parenting sila sa kanilang dalawang boys kaya tigilan na ang pagkakalkal.
Tapos na ang isyu sa kanila. Umamin na nga sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa tunay nilang relasyon.
So that’s it!








Comments