Wala raw makakatalo sa batch nila… ESNYR, AYAW PATULAN SI FYANG
- BULGAR

- Jul 21
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 21, 2025
Photo: Esnyr at Fyang - IG
Sinagot na ni Esnyr Ranollo ang statement ni Fyang Smith na “Walang makakatalo sa batch namin.”
Si Esnyr ay isa sa mga housemates sa katatapos lang na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition bilang ka-duo ni Charlie Fleming, samantalang si Fyang naman ang Big Winner last year ng PBB Gen 11.
Binigyang-diin ni Esnyr sa panayam kay Boy Abunda na bawat PBB season ay may kani-kanyang ‘taste’ at uniqueness, at sa kaso ng kanilang batch ay talagang tinangkilik ito ng publiko dahil sa bago at espesyal na atake.
Ayon naman kay Charlie, masasabing natatangi ang PBB Celebrity Collab Edition dahil ito ang unang beses na nagsanib-puwersa ang dalawang higanteng network na GMA-7 at ABS-CBN para sa isang reality show, kaya hindi dapat ikumpara sa ibang batch.
Sa kabila ng direktang komento mula kay Fyang, nanatiling magalang at diplomatikong sinagot nina Esnyr at Charlie ang isyu, at mas pinili nilang igiit ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba sa mga batch sa halip na makipagkompetisyon o patulan ang isyu.
Hanggang ngayon kasi ay hindi matapus-tapos ang isyung binitawan ni Fyang hinggil sa kung alin sa PBB ang mas pinag-usapan.
Ang sagot ni Fyang ay hindi nagustuhan ng mga netizens at maging ng ibang naging housemates sa PBB.
Sandamakmak na pamba-bash ang kanyang natanggap at nasabihan pa siyang napakayabang.
Dalang alcohol, napagkamalang alak…
SARAH AT MATTEO, HINARANG NG GUARD SA CONCERT NI BILLIE EILISH
NANOOD ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng concert ni Billie Eilish sa London.
Muntik nang hindi makapasok ang singer dahil napagkamalan ng security na may bitbit siyang alak. Sinabi kasi ni Sarah na ‘alcohol’ ang dala niya.
Ipinaliwanag ni Matteo na hand sanitizer lamang ang laman ng lalagyan kaya pinayagan silang makapasok.
Sa huli, pinayagan silang makapasok matapos mapatunayan na hindi alak kundi regular na rubbing alcohol lang ang dala ni Sarah.
Pinuri ng mga netizens ang pagiging simple at humble ni Sarah kahit isa siyang malaking artista sa Pilipinas.
Sa Instagram (IG) Reel ni Matteo na naka-upload ay ibinahagi niya ang kanilang karanasan habang pumipila sa Hit Me Hard and Soft (HMHS) Tour ni Billie sa The O2 Arena.
Natawa na lamang ang singer at ikinuwento ng mister sa caption: “Almost got in trouble for bringing in ‘alcohol.’ Relax, it was just Green Cross.”
Dagdag pa ni Matteo, sulit na sulit daw ang paglipad nila mula Pilipinas patungong London, United Kingdom para mapanood si Billie nang live. Bukod sa aberya, todo-puri rin si Matteo kay Billie Eilish.
Aniya, “She owned that stage. Commanding, electric, and totally in control.”
Sa huli, binanggit pa niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng collaboration sina Sarah at Billie Eilish—na kung matutuloy, tiyak na ikatutuwa ng mga fans worldwide.
Samantala, agad na bumuhos ang mga comments mula sa mga netizens sa Instagram (IG) post ni Matteo.
Marami ang humanga sa pagiging down-to-earth ni Sarah. May nagsabing “She can also make that stadium full!” habang ang isa ay nagpahayag ng paghanga, “Imagining our very own superstar from the Philippines is watching a concert like most of us, no VIP treatment... so simple and very humble people.”
Mangyari kaya ‘yan? Na maka-collab ni Sarah Geronimo ang sikat na international singer na si Billie Eilish?
Abangan natin ‘yan!
ASIDE sa sunud-sunod na guestings ni Shuvee Etrata sa mga shows ng dalawang networks, ang ABS-CBN at GMA-7, ay busy din siya sa paggawa ng commercial.
Katunayan, lumabas na ang kanyang TVC ng isang pants kung saan si Daniel Padilla naman ang male endorser ng nasabing produkto.
Sey ng isa sa make-up artists niya, “Salamat po at lagi n’yong nagugustuhan ang mga make-up ni Shuvee. Keep on supporting Shuvee po.”
Sagot ng isang netizen, “Ginagalingan mo rin kasi, never mo sinapawan ang beauty n’ya with your works, you just enhance it.”
Sey pa ng ibang netizens:
“Thank you, ganda ng video mo, simple lang.”
“Atake pa ang pa-show mo like this.”
Komento pa ng ibang fans ni Shuvee na nagpasalamat sa ineendorsong produkto ng young actress:
“Thank you for trusting our Shuvee from the beginning.”
“You believed in her when she had only 30k followers. Thank you po for believing in Shuvee even before PBB po.”
“Literally she ain’t done bagging all those brands!! Face of the seasons indeed!!"
“Congrats, Shuvee! More endorsements to come.”
“Girl version ni @donnypangilinan si Shuvee Etrata.”
Well, kung si Donny Pangilinan ay isang TDH (tall, dark and handsome) na pinauso ni Shuvee Etrata sa loob ng Bahay ni Kuya, siya naman ay TDB (tall, dark and beautiful), ‘di ba?










Comments