top of page

Wala raw katabi sa gabi lalo kung may sakit… RODERICK, AMINADONG NALULUNGKOT NA WALANG SARILING PAMILYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2025
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 7, 2025



Photo: Roderick Paulate via Bulgar


Balik-comedy film na ang nag-iisa at OG sa pagpapatawa na si Roderick “Kuya Dick” Paulate sa Mudrasta, Ang Beking Ina! na mula sa CreaZion Studios at direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso mula sa Agosto 20.


Year 2009 pa nu’ng huling magbida si Kuya Dick sa pelikulang Dead Na Si Lolo. Bagama’t gumawa siya ng pelikulang In His Mother’s Eyes kasama sina Diamond Star Maricel Soriano at LA Santos nu’ng 2023, drama naman ito.


Pero sa Mudrasta, gagampanan niya ang role ng isang beking stepmom (as Victor Labrador) matapos mamatay ang kanyang dating minamahal na ginagampanan naman ni Tonton Gutierrez as Enrique Santillanes.


Iniwanan siya ng malaking yaman nito kapalit ang isang kondisyon — kailangang tumira si Victor (Kuya Dick) sa mansiyon ng pamilya Santillanes, kasama ang dalawang anak ni Enrique (Elmo at Arkin Magalona) at ang malditang lola ng mga ito na si Celia Rodriguez.


Sa ginanap na mediacon ng Mudrasta last Tuesday, natanong namin si Kuya Dick kung ano’ng lesson ang natutunan niya in playing the role of a stepmom at kung naisip din ba niyang magkaroon ng sariling pamilya dahil sa ginampanan niyang karakter.


Sagot ng komedyante na naging seryoso sa ganitong usapin, “Honestly, Janice, noon nasagot ko ‘yan. Noon gusto ko. Kumbaga, nangarap (na magkaroon ng pamilya), pero sa ngayon kasi, ayoko nang isipin. Although aaminin ko sa inyo, there are nights na minsan natutulog ka, ‘Dapat ba nag-asawa ako?’ Tulad nito, wala man lang nakakaalam na may migraine ako. 


“Oo, totoo ‘yun, naisip ko ‘yun, Janice, pero ngayon, parang hindi na, in-embrace ko na ‘yung buhay na puwede akong mag-isa, puwedeng hindi. Sana kung may ibibigay, mas masarap sana ‘yung may kasama, pero kailangan mo kasing i-embrace ‘yung reality na puwedeng wala. Ang importante ru’n, gawin mong masaya ang buhay mo.”


Nabanggit din ni Kuya Dick sa interview namin after the Q&A na dumaan din naman siya sa panahong nanligaw, nakipag-date at nakipagrelasyon, pero siguro raw ay hindi para sa kanya ang magkaroon ng sariling pamilya, kaya sa ngayon, hindi na siya naghahanap at kung nalulungkot man daw siya minsan, alam niyang si Lord na ang bahala sa kanya.


Ang mga pamangkin at apo na lang daw niya ang nagpapasaya sa kanya, pati mga kaibigang tulad ni Ms. Carmi Martin, na by the way, tulad ni Kuya Dick ay single but not lonely.


Kaya naman naintriga siguro ang broadsheet editor na si Bobby Requintina at naitanong kung sa tagal ba ng friendship nina Kuya Dick at Ms. Carmi ay naramdaman ng magaling na aktres na more than friendship na ang nangyayari sa kanila ng komedyante.


si Ms. Carmi at ang paliwanag, “Agape love. ‘Yung pagmamahal namin sa isa’t isa is more than sa pagiging mag-asawa but wala lang sex. Sobrang respeto namin sa isa’t isa at saka talagang natutuwa ako na kasi malaki ang… siya ‘yung namimili ng isasama niya sa movie, na somehow, naisama rin ako rito, at nabigyan ako ng chance na magawa ang isang very challenging role for the movie na kasama ang isang Roderick Paulate.”


Anyway, bukod kina Tonton at Ms. Carmi, kasama rin sa Mudrasta sina Ms. Celia Rodriguez, Debbie Lopez, Elmo at Arkin Magalona at marami pang iba.


Ngayon pa lang, nagpapasalamat na si Kuya Dick, si Direk Julius at ang buong team ng Mudrasta dahil sa 2 days pa lang na inilabas ang trailer ng movie sa social media, naka-2 million views na ito and still counting, sign na marami talaga ang excited na muling mapanood ang isang OG sa comedy na si Roderick Paulate.


Kaya mga Ka-Bulgar, mark your calendar and buy your tickets na para hindi mahuli sa laugh trip movie ng taon, ang Mudrasta, showing on Aug. 20 in cinemas nationwide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page