Wala raw galit sa puso niya… CARLOS, GINAWA NA RAW ANG LAHAT PARA MAKABATI ANG PARENTS
- BULGAR

- 5 days ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 25, 2026

Photo: File
Nag-guest ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose sa Fast Talk with Boy Abunda recently.
Tanong ni Boy kay Chloe, “Kumusta ang relasyon mo sa mga kapatid ni Carlos?”
Saad ni Chloe, “We’re good po. Actually, not to magbuhat ng bangko, pero it’s always been me na nag-e-encourage, even if he really didn’t want to at the time na it was super crazy and talagang maingay and stuff. I have always been the one to encourage him na, ‘Mahal, if you don’t want to ano… the other parts of your family, at least, your siblings.’”
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa mga magulang ni Carlos na sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.
Tanong ni Boy, “Ano’ng dasal n’yo para sa inyong mga pamilya?”
Ani Carlos, “Ako, madasalin po kasi ako. Palagi ko pong ipinagdarasal na sana ay nasa maayos kaming lugar palagi, safe palagi, at healthy para mas magampanan po namin kung ano ‘yung ibinigay ni Lord sa amin at mai-share po namin sa mga totoong nangangailangan.
“Yes, s’yempre, sa personal ko pong panalangin, maabot ko kung ano ‘yung purpose na ibinigay sa akin ni Lord dito. Para pagdating po ng panahon, kung tatanungin n’ya ako, marami po akong kuwento na natutunan, na-experience, especially sa mga tao na nasa paligid ko na palagi n’yang ipino-provide sa akin. Nakukuha ko ‘yung pagmamahal from that po. Gusto ko pong ikuwento sa kanya at, actually, i-share ko sa mga kapatid ko kung ano po ‘yung meron ako ngayon. Kung ano ‘yung natutunan ko, na-experience ko, gusto ko ma-experience rin nila.”
Tanong ni Boy Abunda kay Carlos, “‘Pag dumating ang panahon na ‘yun at sinabi ng Panginoong Diyos, ‘Carlos, kumusta ka bilang anak sa iyong mga magulang?’ ano’ng sagot mo?”
Ani Carlos, “Ginawa ko po ‘yung part ko at naglakas ako ng loob. Humihingi ako actually po sa inyo ng lakas ng loob upang kausapin sila, ma-explain kung ano ‘yung nangyari, especially sa nagawa po nila sa akin. Ako, wala akong galit sa puso ko. Wala kahit anong galit, sama ng loob, pagtatampo. Wala akong naramdaman na ganu’n. Ngayon, kung tatanungin ako ni Lord, ‘Gusto mo ba silang makasama?’ Wala naman pong problema. Ako tinray ko ‘yung best ko na kausapin sila. Mapag-ayos ang lahat, pero ‘di ko po hawak ‘yung sagot na ‘yun.”
Well, wish ni yours truly na sana, magkaayos na si Carlos at ang mother dearest niyang si Angelica at daddy dearest na si Mark Andrew Yulo.
Paalala lang po ni yours truly sa mga kabataan sa panahon ngayon – walang makakatalo sa sakripisyo ng magulang para sa anak. Bawat pawis ng magulang ay binubuo ng pangarap para sa kinabukasan ng pamilya.
‘Yun na!
KASADO na ang 2026 Star Awards for Music sa June 25, sa Teatrino Theater, Greenhills, San Juan City sa direksiyon ni Calvin Neria.
Ito ay matapos pumirma ng kontrata ang Echo Jham Entertainment Production sa pamumuno ni Ms. May Alma Arenas bilang producer ng parangal.
Ang contract signing ay ginanap sa opisina ng Echo Jham sa Malabon City noong March 18 na pinangunahan nina PMPC Star Awards, Inc. Pres. Fernan de Guzman at Sec. Eric Borromeo na siya ring chairman ng 17th Star Awards for Music.
Saksi ang mga miyembro ng Music Executive Committee na sina Leony Garcia, Mildred Bacud, Mell Navarro, Boy Romero, at Rommel Placente, kasama si Philippine Movie Press Club (PMPC) Auditor Joey Austria.
Hindi na bago sa awards night production ang Echo Jham dahil ilang parangal na rin ang kanilang ginawa, maliban pa sa pagiging concert producer, kabilang ang concert ng Rainmakers, ang Golden Binibini sa March 28.
“Matagal na kami sa production at we are happy, finally, to be part of the PMPC. We look forward to an exciting and fruitful collaboration,” saad ni Ms. Arenas.
Nagpasalamat naman ang PMPC sa Echo Jham sa bagong pagsasanib-puwersang ito.
“Salamat sa pagtitiwala sa amin. Sana maging simula ito ng maganda nating samahan. Tulung-tulong tayo para maging successful ang lahat,” sambit ni De Guzman.
Ang PMPC ay samahan ng entertainment press across all media platforms at pinakamatagal na award-giving body sa Pilipinas. Ito ang organizer ng Star Awards for Movies, Television, at Music na kabilang sa mga inaabangang showbiz events at awards night taun-taon.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments