BEA, NAWALAN NG RESPETO KAY GERALD, NEVER MAPAPATAWAD
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 29, 2023

Nagpakatotoo lang sa kanyang sarili ang Kapuso actress na si Bea Alonzo nang sabihin niya kay Boy Abunda na hindi pa siya ready na maging kaibigan ulit ang ex-BF niyang si Gerald Anderson.
Nawala na raw ang trust at respeto niya sa aktor nang dahil sa ginawa nitong panggo-ghosting sa kanya sa panahon na magkarelasyon pa sila, kaya hindi madali para kay Bea ang magpatawad.
Kabaligtaran naman ito ng naging pahayag ni Gerald sa dating interview niya kay Boy Abunda kung saan sinabi niyang hindi niya niloko at wala siyang alam sa ghosting issue na ibinibintang sa kanya ni Bea.
Well, mukhang burado na talaga sa buhay ni Bea Alonzo ang pangalan ni Gerald Anderson. Hindi masisisi si Bea na hindi nito patawarin si Gerald dahil sobra siyang nasaktan sa ginawa ng ex-BF.
At kahit marami pa ang nagsasabi na dapat ay patawarin na ni Bea si Gerald, hindi niya ito magawa dahil labag sa kanyang kalooban. Tutal, naka-move on na siya ngayon at ayaw na niyang balikan ang kanilang nakaraan.





Comments