top of page

Wala naman daw masama… “‘PAG INAPI MO ‘KO, PAPATOL AKO” — MARIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 7, 2025



Image: Marian Rivera - IG



Nakakatuwang basahin ang mga comments ng kapwa-celebrity ni Marian Rivera sa August cover niya ng Preview magazine. Si Marian na ang nagsabing, “Channeling my inner boyish charm on this cover! Who says you can’t mix genres and vibes?”


Una na ang asawang si Dingdong Dantes na nag-comment ng “Pare, pa-kiss nga.” 

Sinundan ni Aiko Melendez ng “Tapos na uwian na, grabe so beautiful,” at ni Gabby Eigenmann ng “Bro, ang ganda.” 


Hindi nagpahuli si Chynna Ortaleza ng comment na, “Yas! I love you! @marianrivera.” 

Si Kyline Alcantara ay nag-comment ng “I love.” 


Si Alden Richards, ang comment ay, “Hanep, bro!!” at si Max Collins, ang sabi ay, “Wow, what a hottie.”


May sinabi pala si Marian sa Preview tungkol sa assertive mindset na siguradong bibigyan na naman ng ibang meaning ng kanyang mga bashers.

Sey niya, “Wala namang masama sa pagiging transparent, as long as wala ka namang sinagasaan. Ngayon, ‘pag inapi mo ‘ko, papatol ako sa ‘yo.”


Ibang-iba ang looks ni Marian sa magasin. Wala na sigurong masasabi ang nagko-comment na laging pa-safe ang datingan ng aktres mapa-photoshoot and in real life. Ipinakita nitong puwede at keri niya ang ibang looks.


Samantala, nagkita, nagyakapan at nagtsikahan sina Marian at Heart Evangelista sa 2025 GMA Gala. Hinayaan sila nina Dingdong at Senate President Chiz Escudero na magtsikahan. Sayang lang at walang nakarinig sa pinag-usapan ng dalawa. Kapag tinanong sila kung ano ang napag-usapan, sabihin kaya?



Itinanghal na Best Dressed…

GOWN NI KYLINE SA GMA GALA, MAHIGIT P.5 M



MAY napanood kaming reels video sa GMA Gala 2025 na kausap ni Heart Evangelista si Kyline Alcantara at tungkol yata sa suot na gown ng huli ang pinag-usapan ng dalawa. 


Biglang may nagsalita sa likod nila ng “That is so expensive,” na ang suot na gown pa rin ni Kyline ang tinukoy.


Kung tama ang nakita naming worth, P544,000 thousand ang Joan of Arc gown ni Kyline from Annie’s Ibiza. Expensive nga!


Tama ang fan ni Kyline sa sinabi sa mga bashers nito na i-afford muna nila ang gown ng Beauty Empire (BE) actress bago nila i-bash.


Nang tanungin si Kyline sa gown na suot, ang sabi nito, British designer. Nang bisitahin namin ang Instagram (IG) ng designer, naka-post ang dress version ng gown na suot ni Kyline at best-selling daw ang dress — baka pati ang gown.


Pinuri rin ang glam team ni Kyline dahil sila ang nag-ayos sa aktres at naghanap ng gown na nagpapanalo sa kanyang Best Dressed sa 2025 GMA Gala.


May nag-comment lang na sana nag-donate nang malaki si Kyline sa GMA Kapuso Foundation at sinundan ng comment na sana, tumulong sina Kyline at iba pang dumalo sa event sa mga nasalanta ng bagyo. 


Marami ang kumontra sa mga nag-comment — pinaghirapan at pinagpupuyatan nga naman ng mga celebrities ang ibinibili nila ng mga gamit.


Ang alam ng mga fans ng mga celebrities, nagdo-donate ang mga ito at gumagawa pa nga ng charity work at may feeding program pa ang iba sa kanila. Huwag naman daw ipagkait sa kanila ang i-treat at gastusan ang kanilang mga sarili.



PINAG-REACT namin si Roderick Paulate sa mga tumatawag sa kanyang “The OG,” “The Legendary,” “The Iconic,” nang mapanood ang trailer ng comeback comedy movie niyang Mudrasta, Ang Beking Ina! (MABI).


“Tuwang-tuwa ako at nagpapasalamat. Binabasa ko ang mga comments nila at nagha-heart ako. May tumawag pa nga sa akin na ‘The GOAT,’ sige lang, kahit pinagmukha akong kambing,” sagot nito na ikinatawa namin.


Itinuro namin kay Roderick ang isang showbiz site na naka-post ang poster ng kanyang movie na showing na sa August 20, 2025. Sabi namin, i-check niya at matutuwa siya dahil puro positive ang comments, gaganahan siyang ituloy ang paggawa ng comedy movies.


May mga nag-comment pa na panonoorin nila ang Mudrasta dahil nami-miss nila siyang mapanood sa comedy film at nami-miss nilang tumawa. Para ngang hindi lang comedy ang ginawa ni Roderick dito, may pasabog sila ni Tonton Gutierrez at kapag napanood na ang movie, malalaman natin kung may kissing scene sila at ano’ng klase ito.


Mula sa direction ni Julius Ruslin Alfonso, sa panulat ni Joni Mones Fontanos, at produced ng CreaZion Studios ang nasabing pelikula. For all ages ang movie dahil sabi nga ni Roderick, gusto niyang pati bata ay makapanood sa mga ginagawa niyang pelikula.


“Ang mga bata ang target audience ko, kaya ayaw ko ng may kissing scene ako,” wika ni Roderick.


Bongga!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page