top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wala na ngang trabaho, patuloy pa rin ang pataas ng presyo ng mga bilihin at bayarin

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 11, 2021



HINDI LANG SI P-DUTERTE ANG NAGMUKHANG KATAWA-TAWA SA ‘HAMONG DEBATE’, KUNDI PATI SINA ROQUE AT PANELO—Hindi lang si P-Duterte ang nagmukhang katawa-tawa sa publiko sa ‘hamong debate’ kay ret. Justice Antonio Carpio, kundi pati ang dalawang katropa nitong sina Presidential spokesman Harry Roque at Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.


Pinagtawanan ng publiko si P-Duterte kasi nang kumasa si Carpio sa hamong debate ay umatras ang pangulo at ang inutusang makipagdebate ay si Roque, kaya lang ang gusto ng mga netizens ay sinuman sa mga komedyanteng sina Vice Ganda at Ogie Diaz ang dapat humarap sa presidential spokesman, at sa parte naman ni Panelo na naghamon ng debate sa dating mahistrado ay ang gusto ng mga netizens ay si Atty. Ely Pamatong ang karapat-dapat na makaharap nito, boom!


◘◘◘


MALUNGKOT NA KATOTOHANAN SA MGA JOBLESS, WALA NA NGA SILANG WORK, ANG TAAS PA NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Ngayong Mayo ay itinala ng PSA (Philippine Statistics Authority) na nasa 4.5% pa rin ang inflation rate sa bansa. Ibig sabihin, mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


‘Yan ang malungkot na katotohanan sa milyun-milyong jobless na Pinoy, wala na nga silang trabaho, mataas pa ang presyo ng mga bilihin at bayarin, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


SINO ANG BOSSING NG MGA TONGPATS COLLECTOR SA METRO MANILA KASI KAHIT SI GEN. ELEAZAR NA ANG PNP CHIEF AY WALA PA RIN SILANG TAKOT SA PANGONGOLEKTA NG PAYOLA—Hanggang ngayon daw ay nag-iikot pa rin sa mga ilegalista sa Metro Manila ang mga “tongpats” collector na sina “Madam Reyna”, “Cesar Pilosopo” at “Ad-Juan” para mangolekta ng payola.


Sino kaya ang bossing ng tatlong “tongpats” collector na ‘to at ang lakas ng loob nila na kahit si Gen. Guillermo Eleazar na ang PNP chief ay tuloy pa rin sila sa kanilang raket?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page