Wakasan ang paghahari-harian ng mga tsekwa at gambling lords!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 30, 2022
DIGONG AT BATO, TAGILID SA ICC—Inanunsyo ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan, na walang merito ang hirit ng Philippine government na itigil na ang imbestigasyon ng ICC sa kasong crimes against humanity na may kinalaman sa EJK noong panahon ni ex-P-Duterte at dating Philippine National Police (PNP) chief, at ngayon Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.
Aba, parang sinabi pala ng ICC na tutuluyan nilang ipaaresto at ipakalaboso sina Digong at Bato, at iba pang sangkot sa EJK.
◘◘◘
I-CONTEMPT NA SI BADOY PARA MATURUAN NG LEKSYON—Hindi nagustuhan ni dating National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy ang pag-reject ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Marlo Magdoza-Malagar, na tawagin at ituring na terorista ang Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) dahil iba ang ideolohiya nito sa pagkatao ng mga terorista.
Dahil sa isyu ay nag-post sa social media na nire-red-tagged (pinagbintangang NPA supporter) at babaeng huwes pa umano.
Sa totoo lang, dapat talagang i-contempt ng Supreme Court (SC) si Badoy tungkol sa ipinost niya laban kay Judge Malagar, dapat siyang pagmultahin at ikulong ng anim na buwan para maturuan ng leksyon.
◘◘◘
KUNG GUSTO PALA NI VP SARA NA MAGKAROON NG CONFIDENTIAL FUND, DAPAT NAGSUNDALO O NAGPULIS SIYA—Sa mga naging vice-president ng Pilipinas at Department of Education secretary, bukod tanging si VP, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio lang ang gustong magkaroon ng confidential fund kahit hindi naman mandato ng OVP at DepEd sec. ang magsagawa ng surveillance o paniniktik sa masasamang elemento ng lipunan.
Sa mga ahensya ng pamahalaan, ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police lang ang binibigyan ng malaking confidential fund dahil mandato nila ang magsagawa ng surveillance.
Kung gusto pala ni Sara na mayroon siyang confidential fund, sana ay nagsundalo o nagpulis siya, at hindi nag-abogado at nag-pulitiko!
◘◘◘
DAPAT IPA-STOP NG MARCOS ADMINISTRATION ANG PAGHAHARIAN-HARIAN NG MGA CHINESE AT PINOY GAMBLING LORDS SA 'PINAS—Sa panahon ng Duterte administration namayagpag ng todo ang Philippine Offshore Gaming Operators ng mga Chinese gambling lords at Small-Town Lottery-con jueteng ng mga Pinoy gambling lords.
Sa panahon ni ex-P-Duterte, nag-feeling hari ang mga Chinese at Pinoy gambling lords kasi kahit saang lugar nila gustong magtayo ng pasugalan ay nakapag-o-operate sila nang walang permit mula sa Local Government Units.
Ngayong panahon ng Marcos administration, dapat ipa-stop na ang operasyon ng mga POGO at STL-con jueteng sa bansa nang sa gayun ay matigil na rin ang paghahari-harian ng mga Chinese at Pinoy gambling lords.





Comments