Wais sa pera… GERALD, MAY 2 RESORTS NA SA ZAMBALES
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 15, 2026

Photo: IG @andersongeraldjr
Maraming celebrities ngayon ang nag-i-invest sa mga properties habang kumikita pa sila sa kanilang showbiz career. Tulad ni Gerald Anderson na nakapagpundar na ng dalawang resorts sa Zambales at kumikita na.
Sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay may resthouse rin sa Batangas na tinawag nilang Bakawan Resthouse.
Ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ay may resort din sa Nasugbu, Batangas.
Nauna nang nagpundar si Glaiza De Castro ng kanyang resthouse sa Baler, Aurora.
Sina Angelica Panganiban at Gregg Homan ay may Mangrove Beach Resort sa Subic, Zambales.
Samantala, maging si Iza Calzado ay part owner na rin ng The Tides Hotel sa Boracay, kung saan kasosyo rin si Tim Yap.
Ang Kapuso actor at businessman na si David Licauco ay nagpapatayo na rin ng resort sa Siargao.
Si Katrina Halili naman ay matagal nang may private resort sa El Nido, Palawan, at kapag walang showbiz commitments ay dito sila namamalagi ng anak niyang si Katie.
Si Piolo Pascual ay may sarili ring farm.
Kaya naman kahit mawalan ng project ang mga celebrities na ito, hindi na sila maghihirap.
Bukung-bukong, nadale… WALLY, NAAKSIDENTE SA MOTOR, 3 BUWANG OUT SA EB!
MAPAPAHINGA nang matagal si Wally Bayola sa Eat… Bulaga! (EB!) dahil sa pagkakaaksidente niya sa motor sa Camarines Sur.
Nagkaroon siya ng injury at kailangang operahan. Nilagyan ng turnilyo ang kanyang bukung-bukong at kailangang magpahinga siya ng tatlong buwan.
Tiyak na mami-miss ng kanyang mga fans si Wally na laging nag-aabang sa kanilang segment ni Jose Manalo, ang Sugod Bahay (SB).
Anyway, ang mahalaga ay ligtas at buhay si Wally. Nagkaroon siya ng panahon na magpahinga at ma-enjoy ang bonding sa kanyang pamilya.
Minsan, sa sobrang abala sa career o trabaho ay nagkukulang tayo ng oras sa ating pamilya. Maaaring ang nangyari kay Wally Bayola ay blessing in disguise. Deserve niya ang pahinga dahil araw-araw siyang nakasalang sa Eat…Bulaga!.
Sabi nga, ang pera ay puwede niyang kitain kapag gumaling na ang kanyang bukung-bukong. Ang kalusugan ang dapat nating ingatan at bigyan ng prayoridad.
Malapit nang mag-50 yrs. old si Piolo Pascual, pero hanggang ngayon, bagama’t gusto naman daw mag-asawa at magkaanak ay wala pa ring napipiling makasama habambuhay.
Kaya naman, hindi maiwasang mainip ang kanyang mga fans na makita siyang bumuo ng sariling pamilya.
Nakapagpundar na rin ang aktor ng mga properties na sapat na upang mabuhay nang maginhawa ang kanyang future family. Financially stable na siya sa laki ng kanyang kinita mula sa pelikula at mga endorsements.
So, bakit nga ba ayaw pang mag-settle down ni Papa P.? Sobra ba siyang choosy sa babaeng gusto niyang makasama habambuhay?
Well, at this point of his life, hindi big issue para kay Piolo Pascual ang pagiging single. Hindi naman din siya nakararamdam ng lungkot at emptiness. Nag-e-enjoy naman siya dahil marami siyang pinagkakaabalahan kapag wala siyang showbiz commitments.
May farm siya at mahilig siyang magtanim.
Sabi nga ni Papa P, okay lang kung maunang mag-asawa at magkaanak si Iñigo, ang only son niya.
Gayunpaman, kung darating ang kanyang ‘the one’, gusto pa rin niyang magpakasal. Gusto niya na makasal muna bago magkaroon ng anak.
DREAM come true para kay Anne Curtis ang personal niyang nakita ang dalawa sa mga hinahangaan niyang Hollywood stars na sina Meryl Streep at Anne Hathaway. Ang event na dinaluhan ni Anne ay bahagi ng promo ng pelikulang The Devil Wears Prada 2 (TDWP2).
Sobrang excited at mistulang nag-fangirling si Anne nang makaharap ang kanyang mga paboritong Hollywood stars.
Nagkaroon siya ng pagkakataong ma-interview sina Meryl at Anne.
Ayon kay Meryl, pagdating sa fashion ay gusto niya ang style ng pananamit ni Diane Keaton.
Well, personally ay idolo ko rin si Meryl Streep. Hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang galing niyang umarte. Ang lakas ng kanyang karisma at hindi nababawasan ang stature niya bilang icon sa kabila ng kanyang edad. Respetado siya ng mga kapwa niya Hollywood stars.




Comments