Wagi ng P1M, recording contract, atbp… MARKO RUDIO, GRAND RESBAK CHAMPION NG TAWAG NG TANGHALAN
- BULGAR
- Apr 27
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 27, 2025
Photo: Marko Rudio - It's Showtime FB
Itinanghal na Grand Resbak champion si Marko Rudio sa Tawag ng Tanghalan (TNT). Kinanta niya sa finals ang Hallelujah song ni Bamboo at ang SB19 medley na binigyan niya ng ibang estilo.
Ibang klase rin naman kasi itong sikat sa socmed (social media) dahil kumpletos rekado ang galing nito sa pagkanta. Mula sa mga simpleng kanta, hanggang sa rapping at rock, mapapasabay ka talaga sa bawat pagkanta niya.
Among his prizes included a million peso, recording contract sa ABS-CBN Music atbp..
Second placer naman si Ian Manibale, na gaya ni Marko ay nakilala rin sa socmed (social media) dahil sa content nito as a singer. Pang-international ang boses ni Ian at hindi kami magugulat kung very soon ay rarampa rin ito sa international stage gaya ni Sofronio Vasquez.
Ang 3rd placer ay si Charizze Arnigo. Siya na nga ang bagong Charizze ng music industry na may napakasarap pakinggan na boses at napakalinis ding bumirit.
Dahil si Meme Vice Ganda na nga ang co-producer ng naturang segment sa It’s Showtime (IS), sulit na sulit ang investment niya dahil tunay namang loaded ng advertisement ang show.
Ang 3 pang pumasok sa Top 6 ay sina Rachel Gabreza, Ayegee Paredes at Raven Reyes.
Wala ka talagang itatapon sa kanilang magkakaibang husay mag-perform at ganda ng mga boses. Ito na marahil ang pinaka-intense na grandfinals ng TNT na napanood namin.
Congratulations!
Tatlo lang sila kasama sina Maki at TJ…
SB19, NOMINADO SA JAPAN MUSIC AWARDS
UMUPONG hurado sa grand finals ng Tawag Ng Tanghalan (TNT) sina SB19 Pablo at Stell, kasama sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Bituin Escalante, Nyoy Volante, Pops Fernandez, Zsa Zsa Padilla, Marco Sison at Maestro Louie Ocampo.
Hindi namin namataan sina Nonoy Zuñiga, Erik Santos, Jed Madela at Darren Espanto na mga regular hurado rin sa show.
Nag-perform din ang SB19 ng kanilang bagong song na siyempre pa ay kinagiliwan namin nang todo bilang ka-A'tin kami. Hahahaha!
Grabe na talaga ang kinang at husay ng SB19. Sa nalalapit nilang 2-night concert sa Philippine Arena (May 31 and June 1) bilang kick-off sa muli nilang pagkakaroon ng world tour, bonggang-bongga ang preparation nila dahil nais daw nilang ihandog sa mga kapwa Pinoy ang ‘da best’ nila bago sila humataw sa ibang bansa.
May DAM tree rin sila sa BGC na laging puno ng mga visitors. ‘Yung collab nila with other icons like Sarah Geronimo et. al. ay socmed (social media) viral din.
And yes, sa nalalapit na Japan Music Awards ay 3 lamang sila nina Maki at TJ Monterde na mga Pinoy na nominado sa mga kategoryang Best of Listeners Choice at Request Special Award.
Sinasabi ngang ang Japan Music Awards ang Asian version ng kilalang Grammy Awards sa USA.
“EXPECTED na namin ‘yan,” kuwento sa amin ng mga taga-Naga naming chummies na volunteer supporter pala ni Marco Gumabao.
Tungkol ito sa napabalitang nag-unfollow-han na nga si Marco at ang GF nitong si Cristine Reyes na marahil daw ay mauwi nga sa hiwalayan gaya ng ibang showbiz couples.
“Naririnig kasi namin na may sariling political plan si Cristine. Parang may conflict or something kaya siguro hindi namin nakikitang nakasuporta kay Marco,” tsika ng ilang nakausap namin.
May mga nagsasabi namang may support naman si Cristine sa BF, kaya lang, mas mahirap nga raw ‘yung paroo’t parito from Manila to Bicol, lalo’t hindi naman daw well-funded ang campaign ni Marco.
‘Yung iba naman ay nagpapalagay na baka tampuhang BF-GF lang ang nangyayari. At ang mga bashers nila ay nagsasabing nagpapansin lang ang dalawa, lalo’t ilang araw na lang ay botohan na.
Comments