top of page

Wagi na namang Best Actor at Best Actress… DENNIS AT RURU, ASSET, NEVER PAKAKAWALAN NG GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 24, 2025



Photo File: Ruru Madrid at Dennis Trillo - IG



Sa nakaraang 8th EDDYS Awards, muling nasungkit nina Dennis Trillo at Ruru Madrid ang Best Actor at Best Supporting Actor trophy respectively via the movie Green Bones (GB). Sila rin ang nanalo noon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 sa parehong kategorya.


Malaki ang naging impact ng GB movie sa career nina Dennis at Ruru. Dito nila nailabas ang kanilang galing bilang mga aktor. 


Ngayon pa lang, may mga nagsasabing masusundan pa ang panalo nilang ito.

Maging ang GB ay posibleng maging grand slam sa pagiging Best Movie, ganoon din ang direktor nito na si Zig Dulay.


Well, may lalim ang pag-arte ni Dennis Trillo sa mga seryoso niyang role sa pelikula, pero kaya pa rin niyang gumanap sa action/romance seryeng Sanggang Dikit FR (SDFR), kapareha ang kanyang pretty wifey na si Jennylyn Mercado.


Si Ruru Madrid naman ay lumilinya ngayon sa pagiging action star, at inihahanda na ng GMA Network ang bago niyang project, ang Hari ng Tondo (HNT), at dito ay excited na siya dahil panibagong hamon na naman ito sa kanyang kakayahan.


Well, masasabing asset ng GMA-7 sina Dennis at Ruru at tiyak na hinding-hindi sila pakakawalan ng network.



AKTIBUNG-AKTIBO ang career ngayon ni Lorna Tolentino. Bentahe para sa kanya ang markadong role at exposure sa seryeng Batang Quiapo (BQ). Sumiglang muli ang kanyang karera bilang bankable at mahusay na aktres.


Nagkasama sila ni Judy Ann Santos sa pelikulang Espantaho na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024. Dahil din sa pelikulang ito ay napansin ang akting ni Lorna ng EDDYS. Siya ang nanalong Best Supporting Actress sa ginanap na 8th EDDYS Awards.


At ngayon ay nagsu-shoot siya ng pelikulang ImPerfect (IP), na produced ng Nathan Studios ni Sylvia Sanchez. Kasama ni Lorna sa movie sina Janice de Belen, Tonton Gutierrez at Joey Marquez.


Kinunan ang pelikulang IP sa hometown ni Sylvia sa Nasipit, Agusan del Sur. Gusto niyang bigyan ng importansiya ang kanyang sariling bayan bilang pagtanaw ng utang na loob ngayong nagtagumpay na siya sa buhay. 


Planong isali sa MMFF 2025 ang pelikulang IP


Samantala, bukod sa movie projects, may offer din kay Lorna para gawin ang isang serye, at under negotiation na ito. Natutuwa naman ang mga fans niya dahil bumalik na ang aktres sa mainstream ng showbiz.


Kinikita sa vlog, isine-share… MOMMY NI MIGUEL, MAY SAKU-SAKONG BIGAS PARA SA MAHIHIRAP


HINDI lang sa husay niya sa pagluluto nakikilala ngayon ang Mommy Grace ni Miguel Tanfelix.


Sa kanyang vlog, may content din siya na namimigay ng saku-sakong bigas sa ilang pamilyang mahihirap. Ito ang paraan niya upang bumawi sa mga blessings na natatanggap niya bilang content creator.


Isine-share ni Mommy Grace ang kanyang kinikita sa pagiging vlogger, at mukhang nae-enjoy na ng mom ni Miguel ang pagiging content creator.


Naging negosyo na rin ni Mommy Grace ang pagluluto ng masarap na leche flan. Marami na ang nag-o-order nito. Maging ang masasarap niyang recipes ay puwede niyang ibenta online.


Napaka-charming ng personalidad ni Mommy Grace. Marami na siyang mga fans at followers. Isa na rin siyang fan-favorite celebrity.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page