Wagdos at Diones, malupet sa athletics, Cray-Knott sa SEAG
- BULGAR
- Mar 28, 2023
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | March 28, 2023

Ilagan-Kakatawanin ng 44 atleta kasama ang sampung Filipino-American sa pangunguna nina Olympians Eric Shawn Cray at Kristina Marie Knott ang athletics sa 32nd Southeast Asian Games sa Mayo sa Cambodia.
Ayon kay PATAFA secretary general Edward Kho sa eksklusibong panayam matapos ang 6-days na athletics competition na nilahukan ng mahigit 1,000 atleta kasama ang mga atleta ng Thailand, Vietnam, Malaysia, Iraq, at Brunei.
“We will compete in all events except women hammer, discus throw at 20,000 meters walk men and women. Wala tayong entries sa tatlong events na ito,” sabi ni Kho. "Successful. I’m happy the competition ended as I expected. I’m elated proud to the performances of our athletes,” aniya pa habang pinanonood ang 4x400m men relay na napanalunan ng Iraq sa oras 3:08.62, tinalo ang Vietnam 3:09.16.
Nakuha ng Thailand ang ginto sa 4x400m relay men under 20 relay, una sa UST 3:34.66 at napunta ang tanso sa University of Baguio 3:36.20.
Si Sonny Wagdos ang pinakamaraming medalyang napanalunan at 2 ginto sa 10,000m at 5,000m at pilak sa 1,500m sa katatapos na ICTSI National Open Athletics na ginawa sa Ilagan Sports Complex.
Tinalo ni Wagdos si kapwa national mainstay si Alference Braza sa medal race para gold sa 3,000m steeplechase at 1,500m.
Muling namayani si Harry Mark Diones sa paboritong event na triple jump, wagi si Denver Tacay sa discus throw boys 18-U at dinomina ni John Mike Lera ang men decathlon sa huling araw ng competition sinuportahan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee. Dinomina ni Diones ang triple jump men open nang tumalon sa 15.81 meters, tinalo si Tran Van Dien ng Vietnam at inangkin ang pilak sa 15.73 meter





Comments