top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

‘Wag na raw si Izzy, baka magalit si Alvin… HIRIT NG FANS: SOFIA TRAZONA, ISAMA SA NEXT DANCE CONCERT NG SEXBOMB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 19, 2026



Sofia Trazona - FB

Photo: Sofia Trazona - FB



Ibinalita pa lang ni Rochelle Pangilinan na magkakaroon ng round six ang reunion concert ng Sexbomb, nagkagulo na ang mga fans. 


To be announced pa ang date ng Get, Get Aw! rAWnd 6 na magaganap sa Manila, pero nagtatanong na kung saan makakabili ng ticket.


Sa sinabi ni Rochelle na, “Teaser pa lang ‘to... pero ramdam na ang laban. rAWnd 6, PUKSAAN NA ‘TO! May bakbakan, may non-stop showdown, at may puksaang malala. Mga Mare, huwag malito dahil sa Manila ang concert. Dito ang gyera ng balakang. Warm up na sa mga ‘pinalaki’ ng Sexbomb,” kani-kanyang hula ang mga fans sa venue ng concert na baka sa Quirino Grandstand sa Luneta gagawin at kung tama sila, mas maraming tao ang makakapanood.





On the other hand, may panawagan ang mga fans sa mga scalpers. Huwag daw muna silang mamakyaw ng tiket at hayaan munang makabili ang mga fans na hindi sinuwerte sa natapos na five concerts.


Naaliw lang kami sa comment na gusto sana niyang makumpleto ang Sexbomb sa darating nilang concert, na ibig sabihin, kasama na si Izzy Trazona na ang mister ay si Alvin Aragon na trending dahil sa mga pinagsasabi niya ngayon. Kaso, binawi nito ang request. 


Sey ng fan, “Pero kahit ‘wag na ulit pa-surprise si Izzy, baka magalit pa si Lord Alvin Aragon.” 

Grabeng mag-shade kay Alvin ang fan ng Sexbomb.


I-call kaya ng Sexbomb ang request ng mga fans na i-guest nila sa concert ang anak ni Izzy Trazona na transwoman na si Sofia Trazona? Hindi kaya magalit ang ex-Sexbomb dancer at si Alvin Aragon kapag nag-guest si Sofia sa concert? 


May request din na i-guest si Mark Herras at ang SB19.



Style ni Carla, ginaya… SANYA, PAHULAAN ANG PAGDIDISPLEY SA FIRST BF



INI-LIKE ni Carla Abellana ang Instagram (IG) post ni Sanya Lopez ng Valentine’s Day date nito kasama ang ka-date na boyfriend na yata ng aktres. 


Tamang-tama ang pagla-like ng aktres dahil may nag-comment na ginaya ni Sanya ang pagpo-post dati ni Carla noong nagde-date sila ng husband na niya ngayon na si Dr. Reginald Santos.


Remember na sa unang date ni Carla at ng kanyang husband, ang chin lang nito at kamay na may hawak na menu ang ipinakita. 


Ang sumunod na date nila, ang suot na rubber shoes naman ang ipinakita ni Carla bago ang face reveal.





Sa kaso ni Sanya, ang left arm ng ka-date muna ang ipinakita at baka sa susunod, ibang body parts naman nito ang i-post ng aktres bago ang face reveal. 

‘Katuwa ang mga fans ni Sanya dahil sa braso, confirmed na foreigner daw ang guy. May nag-comment naman na chubby ito.


May nag-comment pa na sa The Gordon Ramsay Bar & Grill ni Chef Gordon Ramsay na nasa Newport World Resorts nag-date si Sanya at ang kasamang guy. Pati ang in-order ng couple na Beef Wellington, alam din ng netizen. 


In fairness, ang daming in-order nina Sanya, natuwa raw siguro ang ka-date ng Kapuso actress dahil hindi siya picky eater.


Gusto nang makilala ng mga fans ang guy na first boyfriend ni Sanya Lopez para malaman nila kung ano’ng meron sa kanya at tinapos na ng aktres ang pagiging “No Boyfriend Since Birth” o NBSB. 


Nevertheless, masaya ang mga fans na may nagmamahal na sa kanilang Sang’gre Danaya sa Encantadia.



MAY rason kung bakit may mga nanghinayang kung bakit ngayon lang pumasok sa Bahay ni Kuya bilang Pinoy Big Brother (PBB) houseguest si Jillian Ward. 

Kung kailan evicted na sa Season 2 ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) si Sofia Pablo, saka naman pumasok si Jillian.


May unresolved conflict sina Jillian at Sofia nang magkasama sa series na Prima Donnas (PD) ng GMA-7. Ang ganda sana kung nagpang-abot ang dalawa sa Bahay ni Kuya at baka iyon pa ang naging daan para makapag-usap at maayos ang anumang isyu nilang dalawa.





On the other hand, baka maging awkward sina Sofia at Jillian kung nagkasama sa Bahay ni Kuya, kaya siguro hinintay muna ng PBB na ma-evict si Sofia bago pumasok si Jillian.


May mga nag-comment na dapat sa Season 1 pumasok sa Bahay ni Kuya si Jillian para natukso sila ni Will Ashley. Kung nagkataon, baka wala raw WillCa love team nina Will at Bianca de Vera at hindi naba-bash ang aktor ng mga fans nina Bianca at Dustin Yu.


Anyway, nakapag-advance siguro ng taping si Jillian Ward para sa Never Say Die (NSD) kaya keri niyang maging houseguest sa Bahay ni Kuya. Iniwan niya muna ang karakter niyang si Joey Delgado para bisitahin ang PBBCCE2.0 housemates.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page